FACINE 25 Celebrates Sharon Cuneta at 40 in Mes de Guzman's "Ang Pamilyang Hindi Lumuluha"

FACINE 25 Celebrates Megastar Sharon Cuneta at 40 in Mes de Guzman's Ang Pamilyang Hindi Lumuluha (The Family That Does Not Weep)
by Mauro Feria Tumbocon, Jr., Director of FACINE

October 20, Saturday, 7:00 PM
Roxie Theater
Ang Pamilyang Hindi Lumuluha (The Family That Does Not Weep)
Cinemalaya, Cinelarga, Sampay Bakod, Cuneta/De Guzman Pictures
In Tagalog with English subtitles
105 min, 2017
Directed and written by Mes de Guzman
Stars Sharon Cuneta, Nino Muhlach

A lonesome and alcoholic woman attempts to fulfill a local legend about the Family That Doesn't Weep with the help of her nanny and her nanny's uncle in the hopes of reuniting her own estranged family.

Hers is a career that saw its usual ups-and-downs, Sharon Cuneta came into the national imagination with that sugary pop-anthem, "Mr. D.J.," 40 years ago, that went to other fields like film, television and concertizing, on top of music recording, which might have echoed another big star a generation ago, that of Superstar Nora Aunor, yet a paradox of her time: she of genteel lineage, her father is Pablo Cuneta, one of the most colorful political figures at the time, having been mayor of Pasay City for decades, Cuneta captured the hearts of the masa, a generation borne of the turbulence of the times like no other, she literally dominated pop culture in the mid-'80s to mid-'90s.

A few may have thought her career was transient - Viva Films for a long time, operated around her - but on retrospect, one wagers her longevity owes a lot more to an innate talent, incomparable charm and wit, her connection to her fans and admirers as truly genuine, her popular appeal undimmed by the time. My own interest in Sharon Cuneta lies on the evolution of that consummate performer - from a teeny-bopper to dramatic actress to a comedienne of no mean feat - there is reflexivity to her performance rarely seen in other actors, that fascinates me no end.

Her performance in Mes de Guzman's Ang Pamilyang Hindi Lumuluha (The Family That Does Not Weep) attests to that skill and art.

Mabuhay ka, Sharon!


Mes de Guzman, one of the leading figures of regional cinema, many of his films written in Ilocano, presents his 4th film for FACINE. Earlier FACINE has screened some of his most celebrated works: Diliman (2005); Ang Daan Patungong Kalimugtong [The Road to Kalimugtong] (2005); and Ang Kwento ni Mabuti [The Story of Mabuti] (2013).

In this short interview with the filmmaker, de Guzman describes his experience with Cuneta, among other things.

1. Ano ang pinagmulan ng ideya ng pelikula? Ano-ano ang mga dahilan mo para gawin ang pelikula? Ano ang kaibahan nito sa ibang mga pelikulang nagawa mo na?

Nanggaling ang ideya ng pelikulang Ang Pamilyang Hindi Lumuluha sa aking probinsiya sa Nueva Vizcaya kung saan ako naninirahan ngayon. Ang isa sa major crop kasi doon ay sibuyas. Doon ay pinaglaruan ko ang konsepto ng sibuyas, ang landlord, at mga kwentong bayan na nakapalibot dito. Matagal ko nang gustong gumawa ng pelikula na iikot doon. Tulad ng ibang filmmaker, gusto mo lamang magkuwento, ilahad ang mga karanasan ng bayan mo, ng mga nakapaloob na karakter. Gusto kong gumawa ng pelikulang magaan lang, iyung satire comedy, ito ang pinagkaiba ng pelikulang ito sa mga nagawa ko na.

(The following video comes from All Things Sharon's archive)



2. Pangalawang pelikula mo itong nagtatampok ng malaking artista, nauna si Nora Aunor sa Ang Kwento ni Mabuti; ngayon naman, si Sharon Cuneta? Paano nahimok ng produksyon mo na makuha si Sharon para sa una nyang independent film? Maaari mo bang ilahad ang mga naging karanasan mo na makatrabaho ang malalaking artista? Ano ang naharap mong challenges sa paggawa ng pelikula?

Ang mga artistang malalaki ay naghahanap talaga ng mga proyekto na susubok din sa kanilang kakayahan bilang artista. Nakuha ko si Nora Aunor dahil sa TV5. Noong pini-pitch ko ang proyekto, nag-suggest sila na baka gusto kong kunin si Ate Guy. Non-actress talaga ang gaganap doon, magpapa-audition ako sana.

Sa kaso naman ni Sharon, talagang niligawan ko siya dahil sa tingin ko ay nababagay siya sa role, tatlong taon ang paghihintay. Saka noon pa man, nag-express siya na gusto niya akong i-produce dahil napanood niya ang struggle ng mga indie filmmaker sa isang show ni Korina Sanchez. Ako at ang pelikula kong Ang Daan Patungong Kalimugtong ang featured doon sa show. Para sa akin, wala namang pinag-iba ito kung maliit o malaki ang artista, same ang treatment sa set. Ang energy ay nandoon parati, relax ang feel. Ayoko ng mga tensiyon sa set. In terms of budget, nag-aadjust din ako, malaking bagay iyung ikaw ang writer, director at editor ng pelikula mo. Alam mo kung anong mga eksena ang kailangan mo. Marahil ang masasabi kong adjustment lang na major ay ang mga schedule ng artista. Mas dito nahirapan ang production.

(The following video comes from All Things Sharon's archive)



3. Bilang isang manlilikha sa pelikula, ano-ano ang masasabi mong kasiyahan na nakukuha mo sa paggawa? Ano pang ibang nais mong gawin bilang isang pangunahing director ng tinutukoy nating pelikulang pang-rehiyon?

Tinutugunan ng paggawa ng pelikula ang creative energy ko. Ang mga ideya na pilit kumakawala sa aking isip. Ekstensiyon ito ng pagsusulat ko ng kuwento, ng literatura na pinag-aralan ko sa college. Busog na busog ang probinsiya ko ng mga kuwento, hanggang ngayon, marami akong mga kuwento na nasasagap, nararanasan, nakikita at nababalitaan. Hindi ko pinipilit ang sarili ko na para makapasok lamang sa malalaking film festival ay gagawa ng mga controversial na pelikula na nakabase sa international headlines na ang pinapaksa ay pangyayari sa Pilipinas. Hinahayaan ko ang mga kuwento ko ay yumabong, magsimula sa maliit na ideya hanggang sa lumaki, hanggang sa ready na itong gawing pelikula. Sa ngayon, nagpopondo uli ako ng mga ideya para sa susunod na pelikula. Ngayon, gusto ko munang gumawa ng maliliit na pelikula, iyung gagawin ko ito na walang susunding deadline at gusto kong sa Nueva Vizcaya ko uli ito gagawin.

4. Bigyan mo nga ako ng ilang detalye kung paano ka nagsimula sa pelikula:
a. Kailan nagsimula, anong edad mo noon at ano ang professional o educational background mo
b. Sino-sino ang mga naging malaking impluwensya sa ‘yo para gawin ito, dagdag pa kung sino-sino ang nagtaguyod sa iyo para gawin ito
c. Ano ang masasabi mong malaking dahilan, personal man o hindi, kung bakit ka gumagawa ng pelikula?

Nagsimula ako noong nasa college ako, 17 years old. Unang sali ko noon sa Gawad CCP para sa Alternatibong Pelikula at Video. Nanalo agad ako ng honourable mention sa experimental category. Kalahating araw ko lang ginawa ang experimental video. Isinabit ko ang isang lumang tsinelas at naka-juxtaposed sa images ng Mendiola massacre. Sa kuwarto ko lang ito ginawa. Doon lumakas ang loob ko at nagkaroon ng inspirasyon. Kasunod noon ginawa ko ang una kong feature short film na Batang Trapo. Tungkol ito sa batang nagpapasagasa para kumita ng pera. Naglibot ito sa iba’t ibang bansa at maraming nakuhang mga pangunahing premyo. Patuloy na akong gumawa pagkatapos noon.

Mahilig din kasi akong magsulat ng fiction (Short Story). Miyembro ako ng KATHA, grupo ng mga kuwentista sa Diliman. Graduate ako ng Creative Writing sa UP Diliman. Nakasama sa mga anthology ang mga short story ko. At nanalo ng grand prize sa NCCA Writer’s Prize ang unpublished novel kong “Rancho Dyanggo”. Naging graphic artist din ako ng lahat ng leading publisher at press sa Manila.

Sa tingin ko, sa Diliman ako nahasa para magsulat at magkaroon ng kaalaman kung ano ang mahusay na kuwento.

Malaki ang mga naging impluwensiya ng mga writer na hinahangaan ko noon, sina Rogelio Sicat, Jun Cruz Reyes, Edgardo Reyes at marami pang iba. Hanggang sa napanood ko na ang mga pelikula ng mga naunang director. Pero sa tingin ko ang background ko sa literatura ang talaga nagtulak sa akin para maging filmmaker. Bukod sa mahilig talaga ako sa design at art. Parati akong pumupunta sa mga art exhibit. At nakapag pinta at nakapa-sculpt na rin ako bilang pan-sariling koleksiyon at umaasa na sa mga susunod na taon ay makapag-exhibit.

Ang pelikula para sa akin ay isang medium of expression. Ito ang napili mo dahil sa tingin mo ang medium na iyon ay nababagay para sa ganoong uri ng kuwento. Mayroon din naman akong naiisip na mga konsepto o ideya na nababagay na gawin bilang series of paintings or sculptures.

Malinaw sa akin na gagawa ako ng pelikula para magbigay ng ideya o mensahe, personal man iyun o pulitikal. Hindi ko matatakasan ang mga nangyayaring kahirapan sa bayan ko, ito pa rin ang magiging paksa ko dahil ito ang ginagalawan kong lugar. Naroroon pa rin ang tunggalian, ang kawalan ng mga basic na pasilidad, ang kawalan ng edukasyon, ang korupsiyon sa pulitika. Hindi mo maiiwasan na mabahiran ng mga ganitong elemento ang mga pelikula mo dahil nandoon ka, nararanasan mo, nararamdaman mo. Hindi ka makakatakas.

------------------------------------------


FACINE 25 opens with Short Films Competition on October 18 at the San Francisco Main Library; the Main Competition runs October 19-21 at the Roxie Theater, 3117 - 16th Street, San Francisco.

For tickets reservation and purchase, please see link: www.facine.org.

- Mauro Feria Tumbocon Jr, Director, FACINE



Be my genie! Grant my wish(es), please? See my list. Click on this.

Comments

Popular Posts