Sharon Cuneta: "I miss me. I miss being free."


In the uncut, longer version of the "Tonight With Boy Abunda" interview, pinaliwanag ni Sharon Cuneta ang kanyang pinagdaraanan.

Una, ang pagpunta niya sa US (na madalas naman niyang ginagawa) ay breather para sa kanya sa mga sunod-sunod na pagkawala ng mga minamahal sa buhay particularly Willy Cruz.

Na-realize niyang, "I knew I loved Willy, but I did not know he was that precious to me that I was mourning like a lost a parent." She felt guilty that she wasn't able to record a tribute album for him when all her tribute albums for Rey Valera and George Canseco were arranged by Willy.

"Willy, I'm sorry," she cries.

Patong-patong na ang kanyang nararamdaman including those she repressed and denied na na-trigger ng isa pang realization na she is at the age when she is losing people close to her.

Pangalawa, she is a billionaire even before she married Kiko. She is a billionaire in assets. Ang problema ay ang cash flow niya. Maraming investments na kailangang labasan ng pera upang makapasok din ng pera in the future.

When she said na wala na ang kanyang ama to help her, she literally meant it. Na kung buhay pa ang kanyang ama, hindi ito magdadaawang-isip na tulungan siya o gumawa ng paraan para mabayaran ang kanyang mga utang. "Hindi mapaupahan kasi ginagawa pa." Maski siya ay nawiwindang na kung kailan siya umabot ng 51 ay saka naman nasira ang kanyang finances.

Pangatlo, wala silang minana sa ama dahil niloko ng mga malalapit sa kanila ang kanyang ama. Ang perang pinagbentahan ng bahay nila sa Dasma ay ninakaw ng nurse ng ina niya. Hindi ibig sabihin nito ay nakiaalam sa sales ang nurse na pinagtatakhan ng iba. Maaaring cash na ito on hand na ninakaw ng nurse bukod pa sa mga alahas at ibang gamit ng ina.

Pang-apat, "Kiko and I don't have a perfect marriage." Dagdag pa niya tungkol sa post niya na para sa apat na tao lamang niya ibibigay ang kanyang buhay, ang kanyang mga anak, "Kiko said he would die for me, but I can't be plastic and say that I would die for a man (except for her father)."

People don't seem to understand that. Sa Pinas, ang mga magulang (lalo na ang ina) ay mas pinapahalagahan ang mga anak kaysa asawa.

She continues, "I want my family intact." Sabi nga siya sa Basil concert, quota na siya sa bad relationships.

Panglima, mas open siya ngayon sabihin ang laman ng kanyang sugatang puso. Kapag nagsusulat siya sa Facebook, pakiramdam niya ay kausap niya ang kanyang mga kaibigan at fans na kilala siya kaya inaamin niyang may mali siya doon dahil madalas na nami-misinterpret ng marami ang kanyang mga sinasabi.

She then cries, "I miss me. I miss being free."

Sa dami ng mga nangyayari sa kanyang buhay at sa dami ng mga nakaraang walang closure, kailangan ni Sharon ng katuwang at alalay sa buhay. Kaya malaki ang pasasalamat niya sa kanyang fans na hindi siya iniiwan anuman ang kanyang estado sa buhay.

"You don't know what you mean to me. Di n'yo kasi alam ang pinanggagalingan ko," wika niya sa panayam ng All Things Sharon sa kanya.

Click this link to watch the interview.


Be my genie! Grant my wish(es), please? See my list. Click on this.

Comments