Video: The Magic of Sharon Cuneta (Sharon and how she interacts with fans)


The Magic of Sharon Cuneta
(Sharon and how she interacts with fans)
by Jek Josue David

Sharon Cuneta once said: "I don't understand 'yong mga artista na 'yong all of a sudden it's such a big deal for them to have their picture taken with a fan. When someone approaches you in a decent way, parang ang kapal naman ng mukha mo para tumanggi. It's so much easier to smile. Wala ka namang kotseng gan'yan kundi sa mga 'yan." (YES! 2010)

True enough. Di ka mahihirapang magpakuha ng picture kay Sharon if time permits her to. (May times kasi na nagmamadali o masama ang pakiramdam.) Kapag lumapit ka sa kanya at nagsabing, "Pwedeng magpa-picture?" ang sagot niya kaagad ay "Sure! Come here, sweetie." Nakikipagkwentuhan pa 'yan sa kanyang fans. Noon nga ay di pa sanay mag-selfie kaya di pa confident mag-pose pero ngayong gamay na niya ang pagse-selfie, may times na siya pa ang kukuha ng camera para maganda ang kuha. Makikita 'yan sa video na 'to pati na rin ang paghahanap niya ng magandang lighting for a good photo. At may pagkakataon ding pinunasan n'ya ang pawis ng fan gamit ang tissue na di niya raw nagamit.

Ito ang totoong Sharon Cuneta! Sa mga nagsasabing plastik siya, nagkakamali kayo. What you see is what you get. She's naturally a sweet and friendly person. Sa mga nakakakilala sa kanya, kapag love niya ang isang tao, 100% ang warmth na ipapakita niya. Kapag di gaano, sweet pa rin s'ya pero nababawasan lang ng ilang percent. Natural lang din naman sa ordinaryong nilalang 'yon.  Ang plastik ay 'yong extra sweet ka sa lahat, kakilala man o hindi, kaibigan man o kaaway.

In the same interview, she said, "Let's say you're a celebrity, you smile at a fan, you just say hi or you just signed something. I don't know if others have sat down and thought about it, but do you know how long that smile will stay with them? And how they'll carry in the sense that when they get home, they're going to relay the story to their family, and the whole family will feel good for this person and their friends--it's a domino effect. And what did you do? You smiled!"

Mababaw lang naman ang kaligayahan ng fans. Mangitian mo lang, mabati, mareplayan ang social media comments, ma-like ang comment, matawag ang pangalan, high na high na sila! Simpleng-simple lang na kahit walang kahulugan sa mga bituin, it already means the world to the fan. Ipagyayabang na niya sa lahat ng mga kakilala na animo'y nanalo sa Lotto! Lalo na kapag nagkaroon sila ng pagkakataong makita sa personal, makatabi, makausap, at makapagpa-picture! Lulutang na sila sa alapaap! Isang linggong (o higit pa) high ang mararanasan! And such a feeling never goes away kaya gusto-gusto mong maulit at ulit-ulitin. Isang addiction. (Na, like any other addiction, kapag hindi na-control ay sumusobra din kung minsan.) And there are fans na kahit pa ilang beses nang nakita, nakausap si Sharon, starstruck pa rin palagi kapag nakakaharap siya. Napuputulan ng dila kapag kinakausap sila.

Being friendly to fans ay di lang may domino effect sa circle ng fans. Dagdag boost din ito sa friendly celebrity. Dahil sa kanyang pagiging affectionate sa fans, marami pang madadala sa charms niya at makakadagdag ng followers. Gan'yan ang nangyari kay Sharon Cuneta. Maraming bagets ang na-attract sa sincerity niya sa kanyang followers kaya naging fans na niya.

That is the magic of Sharon Cuneta!




Be my genie! Grant my wish(es), please? See my list. Click on this.

Comments