Sharon Cuneta: "Right now I am so sad..."
(Originally on Sharon Cuneta's Facebook Page dated Oct. 4, 2016)
Right now I am so sad...
I don't understand why I have ended up here, not only where I love being, which is showbiz, but in politics where I grew up having a mayor as a father and swearing to myself I would never marry a politician (I saw Daddy being used, abused, misunderstood, hurt, taken advantage of too many times. And sometimes I never saw him at all). Well, as they say, "Man plans and God laughs." Isn't that so true. Artista at mang-aawit at TV show host lang po ako. Napakarami naming hindi pinagkasunduan ni Kiko sa paniniwala sa politika mula pa nung umpisa. Kahit kami ng Daddy ko noon ganon din. Pero dahil may respeto kami sa isa't-isa, hindi na namin kailangan pang isa-publiko ang mga diskusyon naming mag-asawa noon o ngayon.
Noong panahon ng laban ni FPJ at GMA, obvious ba best friend ko si FPJ at ang puso at panininwala ko ay buong-buong nasa kanya? Pero hindi naman din maganda na iwanan ko ang asawa ko at sa publiko bastusin ang kanyang paniniwala kay GMA. PERO HINDI AKO NAGSALITA O NANGAMPANYA. Buti na rin lang nakapag-usap kami ni FPJ ng maayos at since malawak ang kanyang pag-iisip, madali kaming nagkaintindihan. Siya pa nga ang nagsabing huwag ko nga iisipin yon at pag tapos na lahat ng politikang ito, kami pa rin ang magkaibigan. Sabagay, di naman kami puede maging best friends kung di siya matalino.
Nitong huling eleksyon, napansin niyo ba wala akong kinampanya para pangulo? Dahil kay Sen. Grace Poe. Mahal ko siya. Mahal ko si Tita Susan. Pamilya ko sila. At kahit kaibigan ko si Sec. Mar at Korina, hindi ko maikukumpara ang history namin ng mga Poe sa kanila. Si Inday (Mayor) Sara Duterte, kaibigan ko siya since 2012. Naging magkaibigan kami ng WALANG KAALAM-ALAM ANG POLITIKA. At hanggang matapos ang lahat ng ito, alam ko magiging magkaibigan pa rin kami. Si VP Leni Robredo, kaibigan ko. Kaibigan na ng pamilya namin si Sec. Jessie bago siya pumanaw. Si VP Leni ay pinangakuan kong suportahan noon pang tatakbo pa lang siyang congresswoman hanggang VP. At ginawa ko. Si Bong-Bong at ako, mula kabataan, magkaibigan na. Di ko naman alam na tatakbo din siyang VP, pero gaya ng sinabi ko, malalawak ang isip ng mga kaibigan ko. Naiintindihan nila ang mga nauna mo nang binigay na salita, etc. Ganon din kasi naman siguro sila. Di pa kami nagkikita ni Bong-Bong pero jusko sa dami ng dinaanan namin noon pa, di naman kami kahit kailan nagkagalit. Mahal ko yun eh. Pasensiya na po pero pangit talaga yung kaibigang nang-iiwan ng walang sapat o acceptable na dahilan. I have been hurt and betrayed so many times that I find it very difficult to trust anyone nowadays.
Also, napagod na ako na nawawalan o nababawasan o pinagdududahan ng kaibigan.
Tulad mula pa noon, ang buong Estrada family panahon pa ng Daddy ko na Mayor na kasabay ni Tito Erap at magkaibigan sila, nasangkot na din ako nung naging Senador ang asawa ko. Buti na lang din, matalino si Jinggoy at si Tito Erap. HANGGANG NGAYON kami pa rin ni Jinggoy ang magkatext at magkausap. Thirteen pa lang ako kaibigan ko na si Jinggoy. Mayat-maya nagtetextan at tawagan pa kami. Dadalawin ko pa nga siya. Si Tito Erap hanggang ngayon ninong ni KC at mahal kami.
Ang dami-dami-dami ko pang gustong banggitin na pangalan na kaibigan pero huwag na lang. Nalulungkot lang ako. Di ko naman kasalanan na Senador at may sariling paninindigan ang asawa ko, at sa maniwala kayo at hindi, sang-ayon man kayo sa kanya o hindi, MATINO SIYANG TAO. MABUTI SIYANG TAO. MAKADIYOS, MAKAPAMILYA. PINAGMAMALAKI KO ANG PRINSIPYO NIYA. Tama o mali, asawa ko siya. At di po ba, mas mali naman yung awayin ko siya sa publiko? SANA MAGKAISA AT MAGKAAYOS-AYOS NA ANG LAHAT NG NAGSISILBI SA BANSA NATIN. WALA NAMANG IBANG PARAAN. DI LANG MGA POLITIKO ANG NAG-AAWAY, KUNDI TAYO-TAYO NA RING MGA MAGKAKAPATID NA PILIPINO. ANO BA NAMAN YON? Nakakahiya naman kina Gat Jose Rizal at sa iba pa nating bayani. Binigay ang sariling buhay tapos gugulo lang pala ang pinaglaban nila. Huwag na rin tayong magmalinis. WALA NAMANG PERPERKTONG LIDER OR TAO. Bigayan na lang po sana tayo.
Kung may kinaiinisan ako, yon ay ang pumasok si Kiko sa pulitika. Kasi gusto ko buhay na tahimik pag nagretire na ako. Gusto ko magpaligaya lang ng tao. Ayoko na nawawalan o pinagdududahan ng kaibigan kasi sobra akong loyal at totoong kaibigan, lalo kung dahil lang sa pagiging tiga-politika ng asawa ko. At yun ang calling niya eh. Gusto niya magsilbi ng TAPAT. Lahat po ng meron kami pinaghirapan namin. Pinagtrabahuhan. Lahat ng pork barrel niyang natanggap ng lahat ng politiko nung araw pa napunta sa tama. Ang joke nga namin dito, kung yung iba may unexplained wealth, si Kiko naman unexplained POVERTY! Ako siguro naman di na kaila sa inyong pinanganak nang maganda ang buhay at mas nakaipon pa ako ng malaki sa Tatay ko. Kaya okay lang po kami di namin kailangan magnakaw! ILANG BESES NA RIN NA SARILI KONG KALIGAYAHAN ANG SINAKRIPISYO KO PARA SA MGA MAHAL KO SA BUHAY, MULA PA NOONG MALIIT PA SI KC. Lagi silang una. Ako, di bale nang huli.
Minsan, sa totoo lang, kahit mahal na mahal na mahal ko ang asawa at mga anak ko, gusto ko umalis at magtago ng matagal na matagal. Yung walang may kilala sa akin. Pero sa isang lugar na mahal ko. Madami namang lugar yun so okay lang. Pero di puede eh. Mamimiss ko pa kayo! Sana lang kahit sana one month bago ako mamatay, IBIGAY NAMAN NG PANGINOON ANG IISANG DINASAL KO NA DI NAIBIGAY SA AKIN. ALAM NAMAN NIYA NA INUNA KO ANG AKALA KONG MAKAKABUTI SA MGA MAHAL KO SA BUHAY KESA SA IKALILIGAYA KO. GUSTO KO MAMATAY NA KUMPLETO ANG PUSO KO, DI GUTAY-GUTAY, DI KULANG. Anuman yon, akin na lang po yon. Alam niyo, masayahin akong tao. Kilala ninyo akong bungisngis. Pero di ba kayo nagtataka kung bakit napakababaw din ng luha ko? May dinadala ako sa puso ko na wala naman makakaayos. Kaya nga dasal na lang ako ng dasal.
Sorry po. Di naman ako nagagalit, naglalabas lang po ng naiisip at kaunting kalungkutan. Para ko na kasi itong naging diary kaya ayan, pati tuloy kayo nadadamay. Pasensiya na po. At least this might make you understand certain things about me a little better.
Anyway -- the good news is -- GOD IS ALWAYS GOOD. LIKE I SAID THE OTHER NIGHT: NEVER DOUBT THAT.
And to you, my friends and fans, thank you for continuing to support me on this journey. Looks like it's all coming up roses again. So lemme just do what I do best. After all, I'M STILL HERE. :-)
God bless you all and thanks again from the bottom of my heart.
Goodnight.
I love you very much.
Be my genie! Grant my wish(es), please?
Dorina Pineda Wish List
My Amazon.com Wish List
My Amazon.co.uk Wish List

Comments
Post a Comment