Dulsita, Ang Kabuuan ng Kontradiksiyon ng Imahen ni Sharon Cuneta sa Pelikulang Filipino

Ever since I had "Philippine Cinema" as my first graduate course in UP Diliman, si Sharon Cuneta na ang sinusulat ko. My first attempt at writing about her was a parallelism between her personal life and the characters she portrayed on film. Given that her first role April in Dear Heart was based on how writer/director Danny Zialcita saw her in real life, it became my starting point as to how I would approach the subject. Later on, I would abandon the said paper, feeling how amateur it sounded like.

I went on writing other papers that would help me build up my would-be thesis on her. It wasn't my plan at first. I was eyeing on writing about Philippines' gay cinema but then, I lost interest especially after writing my second paper on Sharon entitled, "Anti-Sharon Cuneta: Ang Panggagahasa at Pagpatay sa Imahen na Perpetwal na Birhen ni Sharon Cuneta" for a different class. From then on umikot na ang sinusulat ko sa nilalaman ng pangalawang papel na iyon. Malasado pa rin siya kung tutuusin but I am getting to where I am supposed to be as I continue writing on her. Ang "Dulsita" ang isa sa mga kabuuang gusto kong puntahan. (Until now, I love the sound of "Anti-Sharon Cuneta" as title but I couldn't use it anymore. Iba na ang focus ng thesis ko.)


"Si Sharon Cuneta sa Pelikula: Karaniwang Sweet Subalit May Pitik ng Kaanghangan, Isang Dulsita" was originally written for my Film Historiography class (which was the best class I had in UP under Bono Olgado). I took the class because I was having a hard time focusing on a topic for my thesis. Alam ko nang tungkol kay Sharon siya pero di ko alam ang magiging focus ko. I eventually read my past writings and thought, "Hey! Ito 'yon!" Ang kauna-unahang kong sinulat na paper na iniisnab ko na ang siya rin palang babalikan ko in the end. Ang karakter na dulsita (na aking inimbentong katawagan) ay parallelism sa kung paano maaaring makita si Sharon sa pelikula at sa totoong buhay.

Joel David (not related to me) who used to teach in UP asked me to write on Sharon as part of Kritika Kultura's star studies issue. Ang dulsita ang pinasa ko sa kanya. After all revisions, ito na siya! Mababasa na!

Ang mga sumusunod ay ang orihinal na abstract written in Filipino (not published).

Representasyon ng “perpetwal na birhen” sa loob at labas ng pelikula ang turing ni Rolando B. Tolentino kay Sharon Cuneta sa kanyang sanaysay na “Si Sharon Cuneta at ang Perpetwal na Birhen.” Ito ay may katangiang “maamo, sunudsunuran, matiisin, ang proberbiyal na mabait at o mabuti” (Tolentino 63). Bagaman ito ay may bahagyang katotohanan, ang pagbabasang ito sa kanyang karakter ay tila limitado, makitid, at lipas na. Hindi nito sakop ang buong pagkatao ng kanyang karakter na tulad ng totoong tao, may namamayaning oposisyon. Ang oposisyong ito ang nagbibigay ng kanyang ganap na pagkatao. Sa kanyang mga pelikula, si Sharon ay kakikitaan ng kalambingan (sweetness) subalit may katarayan kapag hinihingi ng pagkakataon. "Dulsita" ang binuong katawagan ng manunulat na kombinasyon ng dalawang salitang Espanyol: “dulce” na ang ibig sabihin ay matamis (sweet) at “maldita” na ang ibig sabihin ay mabagsik (feisty). Sa pamamagitan ng mga halimbawa mula sa kanyang pelikula (at mangilan-mangilan sa kanyang personal na buhay), patutunayan ng papel na ito na ang naturang dulsitang karakter ay taglay ng isang Sharon Cuneta sa loob at labas ng pelikula.

The paper was written in Filipino and as part of Kritika Kultura's new (international) guidelines, abstract na lamang ang pinasulat sa Ingles at mas pinalawak imbes na buong article ang i-translate. Ang issue ay naglalaman din ng panulat tungkol kina Nora Aunor at Judy Ann Santos. Sa aking papel, bahagyang nabanggit din ang mga bituing nauna kay Sharon kagaya nina Gloria Romero, Nida Blanca, Susan Roces, Amalia Fuentes, Nora Aunor, Vilma Santos, Maricel Soriano, at mga sumunod sa kanya kagaya ni Judy Ann at Claudine Barretto na may kinalaman at iugnay sa naging karakter ni Sharon sa pelikula.

Please take time to download and read the issue here. Your thoughts will be highly appreciated.

Kritika Kultura No. 25

Dulsita, ang Kabuuan ng Kontradiksyon ng Imahen ni Sharon Cuneta sa Pelikulang Pilipino

In case you're interested, my paper on Phil. gay cinema can be read here: Ang Mukha Ng Bading Sa Pelikulang Filipino Sa Bagong Milenyo.


(Cross-post in my movie blog: Dulsita, Ang Kabuuan ng Kontradiksiyon ng Imahen ni Sharon Cuneta sa Pelikulang Filipino.)





Be my genie! Grant my wish(es), please?
Dorina Pineda Wish List
My Amazon.com Wish List
My Amazon.co.uk Wish List

Comments