Review ni Willow: Bituing Walang Ningning

Originally posted on Sept. 11, 2006 sa Kabaduyan

Bituing walang ningning Film/ Movie Review(1985) 
Directed by: Emmanuel H. Borlaza
Genre: Drama / Musical 

CAST:


Sharon Cuneta .... Dorina Pineda 
Christopher De Leon .... Nico Escobar 
Cherie Gil .... Lavinia Arguelles 
Vicky Suba .... Lavina's assistant 
Lorli Villanueva .... Tiya Bebang 
Joel Torre 
Jay Ilagan.... Zosimo

"You are nothing but a second-rate. Trying hard. Copy cat!"

O, kung hindi nyo alam ang line na yan, eh siguradong nakatira ka sa pinakaliblib na parte ng bundok. Helllooo??? That's one of the most classic lines in the history of Philippine cinema. And that came from one of Ate Shawee's best work, "Bituing Walang Ningning."

PLOT:

Bituing Walang Ningning is a rags to riches story of a girl who's head over hills in admiration with a singer.

Ate Shawee is a die-hard fan of Cherie's character here. Ay tita, talagang natutulog pa sya sa may gate ni Cherie, para lang makita nya at mabigyan ng pinaka-espesyal nyang sampagita ang kanyang idolo.

Ito namang si Christopher, inlab kay Cherie, pero day, wa pansin sya, kasi ang priority ni Cherie ay ang kanyang career. So si Tito Boyet naghanap ng makakatalo sa mahaderang singer para magkaroon ng time sa kanya si Cherie. SO yun nga, si Ate Shawee nga yun.

Mga like ko sa story:

  • Ang cute ng character dito ni ATe Shawee. May halong innocence, which is very endearing. Tsaka siempre, lahat tayo makaka-relate. Sinu-sino ba satin na sometime in our lives eh lokang loka sa isang taga-showbiz? Oh di ba tayong lahat?
  • The story was great and very inspirational. Kayong mga nangangarap pa rin sa buhay, if you work hard at it, matutupad din yan. Our dreams make our lives worth while.
  • Maganda ang chemistry ni Ate Shawee at Cherie dito. Magaling na villain si Cherie.
  • Siempre, ang soundtrack!!! Willy Cruz is a god!!! Ang ganda ng mga theme song ng movie na ito.
  • Ang creative ng name ng recording company dito nila ha? ZONI. Ay, kalokah talagah!
Mga hate ko sa movie:
  • Walang chemistry si Tito Boyet at Ate Shawee. I mean, really? Inlove sila? Sana binigyan ng time sa movie ang pag-blossom ng love nila (kung meron nga).
  • Ang walang kamatayang "I just called to say I love you," Jeepney version. Grabe! Tatlong beses syang pinatugtug dito at buong-buo pa ha? Yun bang version na naririnig mo sa jeepney, na pedeng gawing medley ng sangkatutak na kanta na pre-preho ang melody! Akkkhhh. Nakakalokah!
  • Meron ibang shots sa movie na panget. Example, yung shot dito ni Ate Shawee na namimili sya ng mga prutas, tapos yung shot eh against the sun. So hindi mo na nakikita yung dapat makita dahil sa sinag ng araw.
Comment ko lang:

Kung yung Ate Shawee character eh mangyayari ngayon, two words "restraining order." Kaya naman imbyerna ang byuti ni Cherie. Eh halos reypin na sya ni Ate Shawee 'no?

In the end, super-enjoy ako sa movie na ito. Pagkatapos ng movie, magaan ang feeling ko at masaya ako. Inspirational kasi eh.

Moral lesson of the movie:

Money can't buy happiness.

Anong rating ko? 5 Utots siempre! This movie is a CLASSIC! Meron series nito eh, si Sarah Geronimo ang bida. I hope she's giving justice to the role.

Para sa inyo, heto ang lyrics ng theme song, Pampagaeno version:

Bituing Walang Ningning


Kung minsan hang pangarap/ Abambuhay hitong ina-anap/ Bakit nga ba nakapagtataka'pag hito'y nakamtan mo na/ Bakit may kulang pa

Mga bituin haking narating/ Ngunit langit ko pa rin ang hiyong piling/ Kapag tayong dalawa'y naging hisa/ Ka-it na hilang laksang bituin'di kayang pantayan hating ningning

Chorus:
Balutin mo hako ng iwaga ng hiyong pagmama-al/ Ayaang matakpan ng kinang na 'di magtatagal/ Mabuti pa kaya'y maging bituing walang ningning/ Kung kapalit nito'y walang pagla-o mong pagtingin/ Hitago mo hako sa lilim ng hiyong pagmama-al/ Limutin hang mapaglarong kinang ng tagumpay/ Sa piling mo ngayon hako'y bituing walang ningning/ Nagkukubli sa liwanag ng hating pag-hibig

Repeat 2nd stanzaRepeat chorus except last line


Nagkukubli sa liwanag at kislap ng hating pag-hibig



Be my genie! Grant my wish(es), please?
Dorina Pineda Wish List
My Amazon.com Wish List
My Amazon.co.uk Wish List

Comments