Anong Klaseng Sharonian Ka?

Different modes of fan expression (a possible research on fandom)

"Hindi ka totoong Sharonian!"

Ilang beses ko nang narinig ang katagang 'yan sa grupong aking kinabibilangan. Hindi patungkol sa akin kung hindi sa iba. Paano nga ba nila nasabing hindi totoong Sharonian ang isang fan? How do you define ang pagiging totoong Sharonian (o true fan ng ibang star o celebrity)? By whose standards should we measure it from?

Hindi lahat ng fans ay may isang paraan ng paghanga sa kanilang hinahangaan. At hindi dahil magkakaiba kayo ng paraan ay nangangahulugan na itong ang isa ay hindi totoo o semi-fan lang o nagpapanggap lang. One shouldn't question one's devotion to Sharon (or to a particular star/celeb) just because they don't do what you do. Isa man ang hinahangaan, may different expressions naman ang pagiging fan. Walang monopolya sa kung paano nararapat hangaan ang isang tao.

Interesanteng pag-aralan ang different modes of fan expression. Sa tinagal-tagal kong namamahala ng All Things Sharon, I am amazed by how different fans are. 

We see fans collectively: Noranian, Vilmanian, Sharonian, Maricelian at ngayon ay Popsters, Kimnatics at iba pa. Tinitingnan (lang) natin sila madalas sa kung sino ang kanilang hinahangaan at ang outward expression nila ng paghanga: kilig, excitement, pagtili, pagluha. We tend to forget that these groups are consists of individual members. And these individuals differ from how they consume their “idols”, and how they express their admiration for them.

Here the some interesting individuals/characteristics I have encountered in my own group. Pardon the names. Draft pa lang siya. The individual’s names are in no means trying to mock the ones being characterized. Isa itong pagkilala sa fan’s individuality at mode of expression. 

1. Kolektor. May iba-ibang klase. Mayroong namimili ng bagay na kokolektahin tungkol kay Sharon at mayroong lahat ay kinokolekta (official releases man o giveaways o kung ano man).

2. Pirata. Katulad ng kolektor, nangongolekta rin siya ng Sharon items. Pero hindi mahalaga sa kanya kung orig ba o hindi ang kopya niya as long as may kopya siya. Pirated o downloaded movies and music will do.

3. Hoarder. Kolektor na bumibili ng maraming kopya per item. At kapag walang bagong releases si Sharon, bibili uli siya ng old (available) releases sa market.

4. Otograper. Anything Sharon-related na mayroon siya ay pinapapirmahan niya kay Sharon. Minsan pa nga ay sabay-sabay. With dedication.

5. Emotero. Siya ‘yung nakakakuha ng emotional release sa tuwing may pinagdaraanan sa panonood ng mga pelikula ni Sharon o pakikinig sa mga kanta niya. 

6. Referencer. Laging may Sharon movie o song reference ang mga comments/replies niya sa ‘yo. Of course, dahil pareho kayong Sharonian, magkakaintindihan kayo. 

7. Poser. Siya ay ‘yung ginagaya ang poses ni Sharon sa iba’t ibang pictures. Pose! Click! At saka itatabi sa Sharon picture na pinaggayahan.

8. Locator. Kung nasaan si Sharon, nandoon siya. Sa Maynila man o sa probinsya, pupuntahin niya si Sharon at susuportahan. At kapag di kayang sundan sa pupuntahan, maghahatid na lang sa airport.

9. Chiller. Chill-chill lang during shooting or taping. Bago pa dumating si Sharon sa set ay nandoon na siya. Maghihintay siya hanggang matapos si Sharon sa gagawin niya kahit pa abutin ito ng gabi o madaling araw hanggang sa umalis ito. First to arrive, last to leave. Repeat procedure the next day.

10. Aleluya. Wala kang maririnig na kahit na anong di magandang salita sa kanya tungkol kay Sharon. Nasa pedestal ang paghanga niya rito. Hindi matatawaran. Hindi matatapatan.

11. Sabungero. Away kung away. Patayan kung patayan. Huwag na huwag mong kakantiin si Sharon kundi ay makakatikim ka sa kanya. Siya rin ang tagapagtanggol ni Sharon sa tuwing may nagba-bash dito online.

12. Comforter. Lagi siyang may words of wisdom or encouragement sa tuwing nakakaramdam nang hindi maganda si Sharon o napanghihinaan ng loob. 

13. Close. May personal number siya ni Sharon. Nagte-text sila sa isa’t isa every now and then. Kaibigan na halos ang turing sa kanya ni Sharon at hindi lang fan.

14. Businessman. Exchange deals ang habol niya with fellow Sharonians.

15. Liker. Like lang nang like sa ginagawa ni Sharon. Lahat ay maganda. Lahat ay paborito niya.

16. (Dis)Liker. Marunong mamuri at marunong ding manuna kay Sharon. Nakikita niya ang strengths and weaknesses ng kanyang idolo.

17. Closeta. Active sa group, pero tahimik outside it. Kinikimkim ang pagiging fan.

18. Bagets. Youngsters and newbies who are too eager to express their appreciation for Sharon.

19. Papelista. Dinadaan sa academic research o pag-aaral ang kanyang admiration kay Sharon.

21. Architect. Nagbubuo ng fan sites here and there in homage to Sharon.

22. Pretender. Nagpapanggap na siya si Sharon online. Ginagaya ang posts niya, kinokopya ang mga larawan, at sinasagot ang mga comments ng mga nag-aakalang siya talaga si Sharon. Hindi siya concern na mabisto dahil sa wrong grammar niya.

23. Trivia master. Alam niya ang career history ni Sharon including behind the scenes stories about her na na-publicize sa TV, radyo, at mga babasahin.

24. Silent. Member ng group pero di nagpa-participate. Basa-basa lang (o kinig-kinig). Observer ang peg.

25. Flooder. Post lang nang post. Sunod-sunod. Walang humpay.

26. Uploader/Linker. “Paki-upload po, pls!” o “Pakibigay po ang link, pls?” ang madalas niyang dialogue.

27. Sharer. Uploader ng Sharon movies o music online.

28. Nokia. User-friendly. Nakiki-chummy lang sa iba kapag may gustong hingin na Sharon items sa kanila o para mapalapit kay Sharon.

29. Ninja. Particular sa mga older Sharonian na nagni-ninja moves para malampasan ang bantay ng studio kung saan naroroon si Sharon.

30. Giver. Di na siya nakikigulo sa ibang sabik sa presence ni Sharon dahil datihan na naman siya. Nasa tabi lang siya at nagmamatyag. Ayos na ang mangitian at makawayan ni Sharon pag nakita siya. “Give chance to others” ang panuntunan niya. Pwede mo rin siyang lapitan upang mapakilala kay Sharon. Kung malapit na kayo sa isa’t isa, hinding-hindi ka niya pahihindian.

31. Backpasser. Lagi siyang may back stage pass sa mga concerts ni Sharon sa Pilipinas man o sa ibang bansa.

32. Privileged. They are more than backpassers, nakakapasok sila sa dressing room ni Sharon at nakakakuwentuhan si Sharon.

33. Shaker. Feel na feel niyang gulantangin ang group with his bold comments about Sharon to the point na nababansagang basher o hindi fan at nakakapag-create ng group “hysteria” sa mga tulad nina Alleluyas at Likers.

34. Elitista. Ayaw niyang makihalubilo sa mga newbies. 

35. SGForevs. Super fan ng loveteam nina Sharon at Gabby at nagwi-wish na balang araw ay sila rin ang magkakasama in the end.

36. Photographer. Love taking Sharon’s pictures

37. Inspired. Ginagawa niyang inspirasyon sa buhay si Sharon at ang mga karakter nito sa pelikula.

38. Obsessed. Ano kaya ang ginagawa ni Sharon ngayon? Nasaan kaya si Sharon ngayon? Kumain na kaya si Sharon? ang mga concerns niya sa buhay.

39. Parrot. Kabisado niya by heart ang mga lines ni Sharon sa pelikula (at maging ang mga co-stars nito).

40. Ripper. Niri-rip niya lahat ng movies ni Sharon at nilalagay sa portable player niya at niri-rip ang mga mga videos online na ginagawa pang MP3.

41. Competitive. Di papalamang sa iba sa mga alam niya tungkol kay Sharon. (Pwede ring kay Sharon mismo siya nakikipag-compete.)

42. Megaphone. Pag tilian, walang tatalo sa kanya!

43. Impersonator. Pagiging Sharon ang peg sa trabaho at sa buhay. Pati ang sariling pangalan ay ginagawang Sharon o nire-relate sa kanya.

44. Heir. Either nasa dugo ang pagiging Sharonian o pinasahan lamang ng mga kamag-anak na Sharonian na siya ring ginagawa o gagawin niya sa susunod na lahi.

45. Burrower. Mahilig manghiram ng Sharon items na di na ibabalik sa may-ari minsan.

46. Bibokid. Gagawin ang lahat ipo-post ang kahit ano at manggagaya pa ng posts ng iba, mapansin lang ni Sharon, mabati o mareplayan.

47. Artist. Dinadaan ang kanyang paghanga sa artworks niya.

48. Buyer. Kung ano ang produktong pino-promote ni Sharon, ‘yun di ang kanyang bibilhin at gagamitin. At kapag nag-switch ng produkto si Sharon, switch din siya.

49. Non-practicing. Sharonian sa puso pero hindi sa gawa.

50. Recorder. Record dito, record doon ng lahat ng TV guestings ni Sharon.

51. Moo. Siya ay si "Oo nga, Ate Sharon, oo nga!" sa mga comments ni Sharon sa tuwing may kaaway o nang-aaway o sinasagot itong basher. Gatungero levels imbes na pakalmahin si Sharon. 

52. Lover/Hater. Love her, hate her ang nararamdaman niya kay Sharon.

Each individual may possess a combination of several characteristics found above. There are common characteristics among individuals that may be categorized into one "personality". I am quite sure that there are other interesting characteristics that I may encounter later on or are present in other fan groups. These individuals are not also exclusive to Sharonians. I am sure that they exist in other fan groups, too.

(One thing I’ve learned though is may mga pagkakataong hindi pwedeng magsama-sama ang mga characteristics na magkaibang-magkaiba dahil siguradong magka-clash sila katulad ng Likers at (Dis)Likers.)


Be my genie! Grant my wish(es), please?
Dorina Pineda Wish List
My Amazon.com Wish List
My Amazon.co.uk Wish List

Comments

Popular Posts