#DearSharon 04 Ang Suwerte Ni Vicky T. Mojica (Part 2 of 2)



Continuation from Part 1

During the darkest days of my life, naging salat kami sa pera. Minsan ay walang pambayad sa tuition fee ang lola ko. Dumating sa point na kinailangan niyang dalhin sa kandidatong congressman ng bayan namin noon ang card ko para humingi ng tulong sa pag-e-enrol ko. Mataas naman kasi ang grades ko kaya nanghinayang siya kung matitigil ako sa school. May mga times din na nag-e-emote ako kasi wala ang parents ko para bigyan ako ng damit pamasko.

Sa mga panahong iyon, kasama kita. Ikaw ang naging inspirasyon ko. Feeling ko ay magkakilala tayo at kilalang-kilala kita. Nakakatuwang isipin na everytime na nagse-celebrate ka ng birthday mo ay para na ring sine-celebrate ang birthday ko dahil isang araw lang ang pagitan ng birthdays nating dalawa. January 6 ka, January 5 naman ako. Naalala ng mga kaibigan ko ang birthday ko kasi kinabukasan ay birthday mo rin na laging may celebration sa Araneta, sa Folk Arts Theater or sa MET. Yearly ay inaabangan ng madla ang birthday mo lalo na ang sorpresang hinanda para sa 'yo. Sigurado ako na kung uso na ang social media nu'n ay lagi kang trending topic.  Pero wala mang social media nu'n, trending ka naman by word of mouth. Naging usap-usapan ng mga kapitbahay namin ang topic na kung sino ang ililigtas mo pag lumubog ang bangkang sinasakyan mo o kung sino ang surprise guests mo na may kinalaman sa estado ng lovelife mo nang mga panahong 'yun, etc.  Daig pa ang may social media.  Pangalan mo pa lang ay balita na!

Noong nasa kolehiyo ako, nakipag-unahan talaga ako sa pag-submit sa professor ko kung saang TV, print or radio network kami magpa-practicum ng grupo ko. Daig nang maagap ang masipag, 'ika nga. S'yempre, ABS-CBN ang pinili ko! Pagkakataon ko nang makadaupang-palad kang muli. This time I'll make sure na makasama na kita sa picture at makakapagpa-autograph na ako sa 'yo.  

Sa "Magandang Gabi, Bayan" ni Noli De Castro kami ay na-assign. I found out na every Friday ay may recording ka at taping ng music video para sa opening ng TSCS. Dahil doon, kahit na di naman kailangang mag-overnight, nag-o-overnight kami sa studio ng ABS. Kapag nag-start na ang taping mo, pupuslit na kami ng classmates ko para puntahan ka. 

Habang hinihintay ka namin ay pinagmamasdan lang namin si KC noon na naka-uniform pa galing sa Poveda kung saan siya ay nag-aral. Nasa dressing room mo s'ya at nagsusulat nang mahaba niyang pangalan. At first, nahihiya pa siya sa amin pero later on ay nakipaglaro rin sa amin siya ng jackstones at habulan! She is such a nice girl, hindi s'ya brat. I salute you for being a good parent. Nagpa-picture ako sa kanya at may autograph pa!  

Then the time has come. Tapos na ang taping mo. Iyon na ang oras para kapalan na ang mukha ko nang makapagpa-picture sa 'yo. Hindi naman ako nabigo! Natupad din ang pinapanga-pangarap ko at s'yempre ay may kasamang autograph! It must have been one of my lucky days.

I am a witness to how genuinely nice you are to people around you sinuman sila para sa 'yo. Hanggang sa makasakay ka na sa magarbo mong puting Dodge van, nakangiti ka pa rin sa amin. Kumaway ka at pinaulanan mo kami nang pasasalamat bago mo isara ang pinto ng iyong sasakyan. I felt how sincere you were. Hindi ako nagkamali nang pagkakakilala sa 'yo. Kung paano ko binuo ang pagkatao mo sa isip ko ay ganoon din kita nakita nang mga oras na 'yun. It was November of 1993, my third encounter with you.

Ang ikaapat na pagkakataon na makita kita ay nang may pino-promote kang movie that same year (1993). I thought na sa GMA ang punta mo kaya nang mag-out kami sa ABS, sa GMA kami dumiretso. Naabutan naming paalis na ang buong entourage mo. Fortunately, nakamayan kita nang medyo matagal! Alam mo ba na hanggang sa makasakay ako ng jeep ay inaamoy ko pa ang pabango mong dumikit sa kamay ko? Mukha akong tanga noon pero pakiramdam ko ay napakasuwerte ko nang araw na iyon.

I have so many fond memories of being a Sharonian. Nag-lie low ako noong umalis ako ng Pilipinas para maging OFW. Gayunpaman, hindi nagbago ang pagmamahal ko sa 'yo. Kung noon ay tinitipid ko ang baon ko para makabili ng magazines or pictures mo, ngayon ay VCD, DVD, at CDs mo naman ang kinukolekta ko. 

I hope you don't mind me saying this pero sobrang nalungkot ako nang lumipat ka ng istasyon. Naiintindihan ko ang dahilan pero I know that you deserved to be there. Your contribution to the network is worthy of recognition. But nothing has changed. I am still your Sharonian wherever you may be.
         
Napakarami na nating pinagsamahan. Nakikiiyak ako kapag umiiyak ka. Brokenhearted ako kapag brokenhearted ka. Kapag masaya ka, masaya rin ako.  Hindi kita iiwan kailanman. Kahit di naman kita talagang kasama.

I really wish na mabasa mo ito. It took me 30 years to tell you all of these. Alam kong maraming nagsasabi na sila ang number one fan mo. I want you to know na kasama ako roon! Sana ay makilala mo rin ako isang araw. You are such a big part of my life. And I oblige myself to be your fan for life, to support you in your every endeavor for as long as I could. Call it unconditional love.

I will be your true blooded Sharonian forever!

Love always,

Vicky Trinidad Mojica



Be my genie! Grant my wish(es), please?
Dorina Pineda Wish List
My Amazon.com Wish List
My Amazon.co.uk Wish List

Comments

  1. Wow!such a nice story.i can feel your sincerity of being a Sharonian!God bless sis!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts