#DearSharon 03 Ang Notebooks Ni Vicky T. Mojica (Part 1 of 2)


Vicky T. Mojica is from San Pedro, Laguna. She currently lives with her Filipino husband in Kuwait. She used to work in Taiwan and Shanghai. A proud Sharonian, she regularly visits this site. She happily tells her story in this two-part letter.

Dear Sharon,

Paano ko ba sisismulan ang testimony nang pagiging Sharonian ko? Initially kasi ay medyo naiinis ako sa 'yo. Naartehan ako sa 'yo noon bukod sa wala naman talaga akong hilig sa artista dati. Hindi ko malilimutan ang taong 1984, grade four ako at start ng klase. Tatay ko ang bumili ng notebooks ko. Puro ikaw ang nasa cover! Nainis ako kasi ayoko sa 'yo noon.  Pero wala na akong magagawa. Nabili na, eh. (Hanggang ngayon ay nasa akin pa rin ang mga notebooks na 'yun.)

That same year, sometime in August 'ata, nakinood ako sa kapitbahay ng "Germspesyal." Ininterbyu ka ni Kuya Germs. You were crying. I believe na it was tears of joy. 'Yun pala, ikakasal na kayo ni Gabby Concepcion. Your very words were, "Siya na nga!" At an early age, nakadama ako ng kilig. (I was 11 years old.) Simula noon, lagi na kitang inaabangan sa "Germspesyal". Ikaw ang pinakasikat na co-host ni Kuya Germs noon. Hindi ko namalayan na unti-unti na akong nahu-hook sa 'yo. Die-hard fan pala ang tawag sa ganoon.

Since then ay lagi ko nang pinapanood ang Germspesyal na naging GMA Supershow every Sunday. Wala namang kaming TV noon kaya every Sunday rin ay problema ko kung saan ako makikinood. Tinipid ko ang mga baon kong pera noon para makabili ng magazines na ikaw ang nasa cover pati na rin ang pictures mo na binebenta sa labas ng school namin.  Pinanood ko ang mga movies mo sa sinehang malapit sa amin. Sa Ivory Theater noon, may ka-double na palabas kapag nanood ka!

Hanggang sa hindi na ako kuntento sa ganoon. Ginusto kong first day pa lang ng showing ng movie mo ay present ako. Nagpasama ako sa tiyuhin ko sa Cubao para manood dahil di ko pa kering magpuntang mag-isa. Bagets pa, eh. One month after pa kasi bago ipalabas ang movie mo sa Ivory Theater. Hindi na ako makapahintay. Gusto ko rin na part ako ng box-office success ng mga movies mo.

Everytime na manonood ako ng movies mo, kesehodang sa Ivory Theater lang iyon, siguradong mahaba ang pila. Madalas ay sa hagdan lang kami nakaupo ng tiyuhin ko or sa aisle ng sinehan kapag kasama ko naman ang lola ko. I remember nang pinanood ko ang Bukas Luluhod ang mga Tala, ka-double niya ang Sister Stella L. Wagi kami ng lola ko kasi Sharonian ako at siya naman ay Vilmanian. Ngayon ko lang na-realize na originally ay magkatapat talaga ang showing ng dalawang pelikula.

Nang magkaroon ng TSCS (Sept. 7, 1986 sa IBC 13), pumila ako sa Araneta Coliseum kasama pa rin ang tiyuhin ko. Tanghali pa lang ay ang haba na ng pila. Literally, hindi talaga nakasayad sa lupa ang mga paa ko sa dami ng tao na nagsisiksikan at ang mukha ko na lang ang nakaangat para makahinga ako. 7 or 8 PM na 'ata nag-start ang show. 6 PM nang magsimulang magpapasok sa loob ng coliseum. Parang inanod lang ako papasok sa loob ng Araneta. What's worst, nagkahiwalay kami ng tiyuhin ko! Pero di ko na inisip 'yun. Ang importante ay nasa loob na ako ng Araneta at makikita ko na rin sa wakas si Sharon Cuneta! That was the very first time I saw you. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya...

May mga times noong highschool na ako na sumasabit ako sa kapitbahay namin para pumunta sa studio at manood ng "Big Ike's Happening" ni Ike Lozada, nagbabakasaling mag-guest ka. Na-confiscate pa nga ng guard ang Science notebook na dinala ko para makapagpa-autograph sa 'yo. Bawal daw ang magpa-autograph sa loob ng studio. Nanghinayang ako kasi pagkakataon ko na sana na magka-autograph mo dahil tiyempong guest ka that day. Besides, mas malapit lang ang audience sa studio kaysa sa Araneta. Mas malaki ang chance na makalapit ako sa 'yo para magpapirma kaso napurnada pa! Pero naging masaya pa rin ako kasi nakita kita nang malapitan. Simpleng plain white dress with 3/4 sleeves ang suot mo noon. Simple lang din ang ayos ng buhok mo, nakalugay with bangs na parang kakanta ka lang ng "Kahit Maputi na ang Buhok ko." Ang saya-saya ko nang araw na 'yun, unmindful na kinabukasan ay lagot ako kasi nawala ang notebook ko! That was the second time I saw you in person.


As a kid, napakamahiyain ko. I have an inferiority complex. Maybe it stems from having a broken family. Dala-dala ko hanggang sa paglaki ko ang ugaling ito.

Isa sa mga goals ko sa buhay ang makatapos ng pag-aaral na nagawa ko naman. I took Mass Communications for this simple reason: makita, makapagpa-autograph, at makapagpa-picture kasama si Sharon Cuneta! May kababawan siguro para sa iba pero sa akin, may mas malalim na kahulugan. Siyempre, di ko 'yan pinagsabi kahit kanino. Pero kasama na rin doon ang kagustuhan kong mabago ang pagiging mahiyain ko...

To be continued...


Be my genie! Grant my wish(es), please?
Dorina Pineda Wish List
My Amazon.com Wish List
My Amazon.co.uk Wish List

Comments