#DearSharon 02 Mananaginip, Mangangarap by Vonnex Cool
Vonnex Cool hails from Iligan City. She is married and has three kids. She works as a nurse. She is grateful to yours truly for putting up a fan page that is dedicated to the person she admires the most. Maraming salamat din po sa inyo sa inyong sumusunod na liham. Makakarating po kay Mega ang inyong paghanga sa kanya!
Dear Sharon,
I grew up watching all your movies and most of your TV shows and guestings. Tandang-tanda ko na excited akong pumunta sa kapitbahay namin noon para makinood ng C.U.T.E. ninyo ni Ms. Helen Gamboa sa black and white TV nila. Pati ang mga magazines katulad ng Kislap at Flash ay binibili ko basta't ikaw ang cover.
Na-capture mo ang loob ko kaya naman nagustuhan kita. I really like everything about you: the way you talk, the way you handle your life and the people around you, ang malambing at mahinahon mong pagsasalita. Gustong-gusto kong lalo ay 'yung kahit na mayaman ka ay down to earth ka at walang yabang sa estado mo sa buhay. Nasabi ko nga sa sarili na kung ako na hindi mo nakakausap ay nababaitan sa 'yo, lalo na siguro ang mga nakakausap at nakakahalubilo mo nang personal.
There were times that I sent you letters through Flash and Kislap magazines. Masayang-masaya ako nang ma-publish ang isa sa kanila sa Kislap. Sa ganoong paraan ko lang mapapakita ang paghanga ko sa 'yo.
Minsan, naging guest ka sa "Superstar". "Kahapon Lamang" ang kinanta mo noon at iyak ka nang iyak dahil kaka-break n'yo lang ni Gabby. Naku! Gusto kong sugurin si Gabby noon para maipagtanggol kita sa kanya.
Napanood ko ang The Best of Sharon and Gabby dito sa amin sa probinsiya. I was 18 years old then. Sinabi ko sa sarili ko, sana ay makita kita sa personal. Nang makita pa lang kita na kinakanta ang "Langis at Tubig" sa TV ay pinangarap ko na iyon.

Until one time ay nagpunta ang kapatid ko sa Manila para mag-review sa kanyang CPA exam. Sinama niya ako at umasa akong magiging totoo ang pangarap ko. Nagkataon naman na may premiere night ang movie mo with Gabby sa New Frontier Theater sa Cubao. Hindi ko na pinalampas ang chance na iyon! Sa orchestra kami noon nakapuwesto at nang dumungaw kayo ni Gabby at kumaway, sobra-sobra ang kaligayahang naramdaman ko. Sa wakas ay nakita rin kita! Hinding-hindi ko malilimutan ang gabing iyon.
Through the years, hindi nababawasan ang paghanga ko sa iyo. Sinusubaybayan ko ang lahat ng iyong ginagawa. Nang gumawa ka ng Twitter account, nagbukas din ako. At para akong nanalo sa Sweepstakes nang sagutin mo ang tweets ko sa 'yo! Para na rin kitang nakausap nang personal. Nang humito ka sa Twitter, hindi ko na rin binsita ang sa akin. Ikaw lang ang pinupuntahan ko roon kaya nakakalungkot na huminto ka na sa pagpo-post ng tweets.
Sa tagal na panahon nang paghanga ko sa iyo, pakiramdam ko ay close na tayo at kilalang-kilala na kita. Kapag ginoogle mo nga ang pangalan ko ay pangalan mo ang makikita! Maging hanggang panaginip ay kasama kita! Maraming beses kong napanaginipan na nagpa-picture ako na kasama ka. Paggising ko, mare-realize kong wala akong hawak na camera at hindi totoo ang panaginip.
Thank you, Ms.Sharon, for inspiring me. Salamat sa pagmamahal na binibigay mo sa aming fans mo na malayo sa 'yo. Continue being mabait and down to earth.

Patuloy akong mangangarap at mananaginip na balang araw ay magkakaroon ako ng chance na makita, makausap, at makilala kita nang personal.
Love always,
Vonnex Cool
Love always,
Vonnex Cool
Click my Wish List: My list of must-haves and most wanted for my collection. It'll be greatly appreciated if you can help me get these ORIGINAL items.
Comments
Post a Comment