Louie Cano's Lalamasin

(Ito ay tungkol sa karanasan ni Louie Cano sa isang babae at pagiging Sharonian!
Note: This post has some adult theme. Some readers may feel slighted.)


Lalamasin
Posted on April 3, 2008

Pag-aalay

Para sa mga baklang mapangarap at mapangahas
Sa mga lantad at maglaladlad
Sa mga mapagparaya at mapagparaos
Sa mga pinanawan ng ganda
At para sa patuloy na umaasa.
Para sa mga nagwawaldas ng panahon
Sa mga nag-iimpok ng alaala
Sa mga madramang nangungulila
Sa mga nadidighay sa ligaya
Sa mga dyosa ng kahapon
At sa mga erehe ng bukas.


WALANG duda, kung merong isang bagay na kinatatakutan sa mundong ito ang isang maskuladong pamhintang katulad ko, ito ay babae. Specifically, babaeng may suso. More specifically, babaeng may malalaking suso. As in SUSO!

Dyoga, Boobs. Bubella. Hindi ko kayang isiping dumapo ang mga palad ko sa mga ito. Malayong lumapit at imposibleng lumapat ang mga labi ko sa kanila. Bukod sa colustrum supply na katas para sa mura kong gulang (salamat, mudra), wala na akong alam na gamit para sa mga ito.
Pampasikip sa bus, abala sa pila at mahigpit na kakumpetensya--yan ang suso.

Minalas akong maka-face to face ang una kong suso encounter noong high school. Tulad ng maraming pamhintang nangangapa pa ng lugar niya sa mundo, nagkaroon ako ng girlfriend (huwag nyo akong itakwil, mga kapatid..). Oo, girlfriend--as in jowang murat o bilatrang jowa-ers o isang cover girl (pang-cover ng aking pagka-alam-mo-na).

Si Mina. Short for Carmina. Maganda naman ang lowkah (pero looking back, parang mas mahaba ang bangs ng skihead ko kaysa sa kanya, hmmm…). Madalas ngang mahirang na muse ng mga high school clubs at malimit mangolekta ng mga korona at special awards sa kung anu-anong byukon (beauty contest) si Mina.

Bagay raw kami. Campus figure ako dahil madalas kong ipanalo ang eskwelahan namin sa mga literary inter-school competitions, samantalang si Mina naman ang high school sweetheart ng bayan.

Hindi pa uso ang salitang Bobita nuon pero ‘yun na ang pwedeng ikabit sa level of intelligence ng jowa kong ititch. Binawi naman niya ang kakulangan sa mental faculties sa kanyang mammary glands, Susme, bawing-bawi.

Sa lenggwaheng pang-bagets, mag-on kami. At katulad ng maraming ma-on, inaasahan niyang halikan ko siya paminsan-minsan, at sa mga pagkakataong mag-isa kami (na lubha kong kinatatakutan), kailangan kong maging ‘pilyo.’ Alam ko ang codes of endearment:

First Base: Kiss sa lips. (Pwede.)
Seond base: Hawak sa suso. (Pwede, pero may effort.)
Third Base: Alam-mo-na. (Imposible!)

Saksi si Tita Shawie sa kahihiyan ko. Palabas ang Dear Heart at iyon ang una (at huli) naming movie date ni Mina.

Iniwan ko ang totoong pagkatao ko sa takilyera, bumili ng tapang at pop corn sa Snaxx Counter at ikinumot ang dilim ng sinehan sa pagkukunwari.

Madilim, malamig sa loob ng sinehan. Iba’t-ibang anino ang nasa loob--may mga ulong pinag-iisa ng pagkakataon, may mga ulo namang biglang nawawala, meron namang biglang sumusulpot at meron ding mga ulong tila nakatanim na sa dibdib ng ka-date.

Umupo kami sa Lodge (hindi kaya ng powers ko ang Balcony). Pag-upung pag-upo pa lamang ay dumapo na ang kamay ni Mina sa hita ko. Tinubuan ako ng umay sa tuhod, kinain nito ang buo kong hita hanggang sa gumapang mula paa hanggang sa huling hibla ng buhok ko.

Gaga ka kasi, sabi ko sa sarili ko.

“Ang ginaw naman…” sabi ni Mina sabay hilig sa pagitan ng dibdib at balikat ko. Reflex yata ang tawag dun, pero di ko sinasadyang itulak ng balikat ko ang ulo nya.

“S-sorry…”

Dedma lang si Mina na panay na ang himas sa hita ko. Suggestion: Kung may barf bag sa mga eroplano, dapat ding maglagay ng mga ito sa mga sinehan. Bumabaligtad ang sikmura ko sa mga pagkakataong yon. Lunok-luwa ang ginawa ko sa pop corn. At nang paglaruan na ni Mina ang zipper ng pantalon ko, nasamid ako sa tuya.

SFX: Ubo, ubo at ubo pa.

“Okey ka lang?”

“O-okey lang…y-yung pop corn, masyadong maalat…”

Alam ko na ang susunod na eksena. Hahalikan ako ni Mina. Kaya pinuno ko ng pop corn at pop corn at pop corn pa ang bibig ko.

“Nagugutom ka ba? Gusto mo ng kanin?”

“Zwarzupgwarswarphh…”

“Ang ginaw talaga! Brr!”

Translation: Yakapin mo naman ako.

Hmp, ang bruhang itoh, pabigat--sabi ko na lang sa sarili ko habang niyayakap ng kanang braso ko ang balikat niya.

Dumating ang kinatatakutan ko. Hinahawakan ni Mina ang kamay ko at inilalapat sa, ngiii, dibdib niya. Humigop ako ng hangin at pinigilan ko ang paghinga.

Hawak pa rin ang kamay ko, isa-isa niyang binuksan ang mga butones ng blouse niya. Mula taas, pababa…pababa. Gulp.

Wala akong problema sa suso, madalas na akong makakita ng mga ito. Pero kung nakakabit ito sa isang babae--lalo sa isang babaeng may dambuhalang susong dapat sana’y siningil din ng takilyera--e, ibang usapan na.

Itinaas ni Mina ang bra nya at kumawala ang mga alaga niya. (SFX: TOINK!) Unang nakilala ng palad ko si Kanan--makinis, malusog at tila palaban--meron itong sariling pintig nang madama ng mga daliri ko. At si Kaliwa na walang pinag-iba kay Kanan. Pareho silang makinis, malusog, malambot at parang gelatin na buung-buo. Ang ipinagtataka ko ay parang may mga sariling isip ang kambal. Tila ‘lumalaban’ sila sa bawat obligadong himas ng kamay ko.

Hoy, hindi sekswal ang nararamdman ko. Naaalala ko ang female anatomy drawing sa Colliers Encyclopedia. Peksman.

Ah, ito pala ang areola…at ito naman ang, ew, pasas!

Umuungol si Mina.

Pumutok ang thought balloon ko ng female anatomy drawing at tumambad sa akin ang isang akting na akting na Sharon Cuneta.

“Ang galing umarte ni Sharon!” bulalas ko sabay palakpak para kumawala ang kamay ko kina Kanan at Kaliwa.

“Uh, hmp, oo!”

“Ayusin mo nga ang butones mo, mag-iintermission na.” sabi ko kay Mina. At kahit madilim sa loob ng sinehan, alam kong tatalunin ng mga kilay ko ang mga nakaguhit na kilay ni Mommy Elaine Cuneta na umabot hanggang sa kisame ng Balcony.

Paglabas namin ng sinehan, matulis na ang nguso ni Mina. Hindi na maalis ang hmp! sa kanyang mga labi.

Wala akong pakialam, in short, care ko?!

Lumabas ako sa sinehan bilang isang bagong tao--matapang, maganda, totoo…at isang Sharonian.

(Mula sa susunod kong libro, Brusko Pink 3: Mascula-doll, ang una kong paglalayag na sumulat sa Filipino.)

Comments