Unexpectedly Yours

Unexpectedly Yours

Monday, July 31, 2017

TheVoiceTeensJul3017: Finale






Be my genie! Grant my wish(es), please? See my list. Click on this.

Saturday, July 15, 2017

TV Patrol: Sharon Cuneta's Mega Goals (July 15, 2017)

Sharon Cuneta on achieving weight loss in the US, The Voice Teens Semis preparation with Team Sharon, new movie under Star Cinema, and upcoming Cinemalaya movie Ang Pamilyang Hindi Lumuluha






Be my genie! Grant my wish(es), please? See my list. Click on this.

#ATSGotYouCovered: Sharon Cuneta Is Excited About Her Cinemalaya Entry "Ang Pamilyang Hindi Lumuluha"

#ATSGotYouCovered: Sharon Cuneta Is Excited About Her Cinemalaya Entry "Ang Pamilyang Hindi Lumuluha"

In 2013 Vilma Santos headed a cast of "Ekstra." In 2014 Nora Aunor sought "Hustisya." In 2016 Judy Ann Santos invited her guests to her "Kusina." This year Sharon Cuneta will be joined by "Ang Pamilyang Hindi Lumuluha" as she graces the Cinemalaya film festival for the first time.

"I'm so honored," Sharon says. "Thank you so much."

This won't be possible if not for husband and wife team Mes and Rhea de Guzman. It was Rhea who thought of joining Sharon's script writing contest in 2013, and it was Mes who, instead of joining the contest, wrote a screenplay specifically for Sharon.

"Thank you direk Mes de Guzman and ate Rhea na ako ang naisip n'yo dito sa project na 'to. Thank you to Cinemalaya and to you both for the opportunity na makagawa ng ganitong pelikula."

Incidentally, "Ang Pamilyang Hindi Lumuluha" will also be Sharon's comeback after 8 years since Mano Po 6 under Regal Films. There was supposed to be another film to be made under Star Cinema before this but it didn't push through.

"Siguro gusto talaga ni Lord na mauna 'to kasi dinadasal ko naman lahat... Lahat nasa kamay Niya at lahat pinapasa-Diyos ko so I believe that this is what He wants muna. Siguro sabi Niya, 'Iba muna, anak, para matuwa naman sila.'"

She further adds, "Para may bago ang Sharonians ko."

She always has her Sharonians in mind. Sila ang nakaka-miss sa kanya nang husto sa sinehan, sa recording, sa telebisyon. Hindi nga sila napigil sa pangungulit sa kanya at pagbibigay-push nang mabalitang may chance na hindi matuloy ang paggawa ng pelikulang ito.

"Mahal na mahal ko kayong lahat. You're really all precious to me kasi hindi ko malilimot hanggang mamatay ako: mga minahal ko nga, pinakasalan na; 'yong iba naging boyfriend mo, minahal mo, sinaktan ka pa; samantalang kayo di ko nakikita every day, I'm so grateful na di n'yo ko iniiwan. Tuloy-tuloy lang ang pagmamahalan natin. That's so important to me."

"You just don't know. You don't know kasi where I'm coming from so... Sa akin, it's so special. You are important to me. I love you all. Thank you so much."

With that, she invites not just her audience but the movie-going public to watch "Ang Pamilyang Hindi Lumuluha."

"I know bago po ito. Ang tagal na nating di nagkikita sa silver screen. Sana po abangan n'yo not just for me but let's support the independent film industry kasi ang dami ring obra na nakukuha dito. Kakaiba ito sa lahat ng nagawa ko."

More about the film in this video.






Be my genie! Grant my wish(es), please? See my list. Click on this.

Friday, July 14, 2017

#ATSGotYouCovered: Sharon Cuneta Is Back on a Movie Set!

#ATSGotYouCovered: Sharon Cuneta Is Back on a Movie Set

It has been almost 8 years since Sharon Cuneta made a movie. There were attempts to do a movie since then but nothing materialized for different reasons. Even the making of her latest film "Ang Pamilyang Hindi Lumuluha" took the backseat for a while before the camera finally started to grind on May 20, 2017.

"(N)oong unang araw ko, hiyang-hiya ako dahil nanganganay ako," Sharon admits. "Tagalog na Tagalog ang mga linya ko kaya nagta-tongue twist ako pero maya-maya, okay na."

She further elaborates, "'Yong nanganganay ka na, 'Hindi TV set 'to'... tapos bago lahat ng kasama mo. Ni isa sa kanila never ko pang nakatrabaho."

Siya na rin ang gumawa ng paraan to break to ice. Nilabas niya ang pagiging komikera niya. Since then, naging kabiruan na niya sila. "Noong una, feeling ko naiilang 'yong staff and crew sa 'kin tapos mamaya, family na kami. Tawa na kami nang tawa."

Aside from that, it was new environment for her. This is her first independent film but she says, working with an independent studio is no different to doing films with major studios. Sa istorya nakasalalay ang magiging budget ng produksiyon.

"Parang nagshu-shooting ka lang ng Viva o Star na movie. Hindi naman makikita ang difference ng budget kasi ang story, simple lang. It's not like a huge production like 'Madrasta' ang makikita mo pero what the story calls for naman is gano'n, parang 'Pasan Ko ang Daigdig,' malaki ang budget pero kung titingnan mo ang story, simple lang."

However, it was really Mes de Guzman and wife Rhea who made her feel at ease and at home.

"Alagang-alaga ka. Feeling ko, thankful na thankful sila pero di nila alam na thankful na thankful naman ako." Sa kanyang wall posts kay Rhea, she admits how she misses the couple a lot and is looking forward to working with them again. It seems like her zest for work is back and is inspired to doing movies again.

Panoorin ang ilang masasayang tawanan sa set sa video na 'to.






Be my genie! Grant my wish(es), please? See my list. Click on this.

#ATSGotYouCovered: What's Next For Sharon Cuneta After The Voice Teens

Sharon Cuneta talks about her next project after The Voice Teens





Be my genie! Grant my wish(es), please? See my list. Click on this.

Sharon Cuneta: "In this movie (Ang Pamilyang Hindi Lumuluha), you have never seen me like this anywhere else."


Sharon Cuneta: "In this movie, you have never seen me like this anywhere else. This is Cinemalaya. Here, I think, all stars of all the movies are on the same level which makes it so wonderful."




Be my genie! Grant my wish(es), please? See my list. Click on this.

Thursday, July 13, 2017

#ATSGotYouCovered: What Is Ang Pamilyang Hindi Lumuluha All About?

#ATSGotYouCovered: What Is Ang Pamilyang Hindi Lumuluha All About?

"Ang Pamilyang Hindi Lumuluha" ay tungkol kay Cora na ginagampanan ni Sharon Cuneta. Dahil sa pagiging focus sa kanyang trabaho at pagpapayaman, nakaligtaan na niya ang kanyang pamilya na unti-unting lumayo sa kanya. Sa kanyang pagnanais na mabuo muli ang kanyang pamilya, hinanap niya ang "pamilyang hindi lumuluha" na ayon sa kwentong bayan ay makapagbabalik ng sigla hindi lang ng kanyang pamilya kundi maging ng buong bayan.

Ayon kay Mes de Guzman na kadalasan ay drama ginagawa katulad ng recent movie niya with Nora Aunor na "Ang Kuwento Ni Mabuti." iba ito sa mga nagdaan niyang pelikula dahil ito ay comedy specifically a black one. Ang black comedy ay isang uri ng komedya na ginagawang katatawanan ang mga bagay na kino-consider na sensitive at hindi topic for comedy like death, disabilities, murder, at iba pa. Given its theme, maaaring hindi ito maging angkop sa panlasa ng iba.

Wika nga ni Richard Quan sa NewsKo interview niya, "(A)ng tingin ko nga roon sa materials, either you’ll love it or you’ll hate it lang."

But Mes remains positive about it. "(Malakas) ang kutob ko na magiging successful ang pelikula kasi kahit kami mismo ay natatawa sa mga eksena." He adds, "Powerful ang mga scenes" na magiging panghatak nito sa kanyang audience. "Excited ako at inspired ako sa pelikula."

"You know it's funny," kwento ni Sharon tungkol sa pamilya. "There will be 'ha ha ha' funny moments, may fantasy elements, at may moments na may puso talaga kasi the whole premise is gusto nga niyang mabuo ang pamilya niya."

Mes, in this interview, discusses what the film is about and the process of making it. Mayroon din patikim sa isang eksena sa pelikula.






Be my genie! Grant my wish(es), please? See my list. Click on this.

Wednesday, July 12, 2017

#ATSGotYouCovered: Rhea de Guzman on Working with Sharon Cuneta

#ATSGotYouCovered: Rhea de Guzman on Working with Sharon Cuneta

It took years bago nasimulang gawin "Ang Pamilyang Hindi Lumuluha". Mula nang ma-pitch ito kay Sharon Cuneta noong 2014 hanggang sa isali sa Cinemalaya noong 2016, hindi naging madali ang naging proseso ng produksiyon. Kaliwa't kanan ang naging kontrobersiya ukol dito at nabalitang may chance pa na hindi matuloy o mapalitan ng artista.

"Literal talaga na nag-three years 'yong project nitong May (2017)," kwento ni Mes de Guzman.

"Dumating kami sa point na hindi negative na overstress," relates Rhea de Guzman. "Nalagpasan kasi naman 'yong stress."

Dinaan nila sa dasal, sa pagbibigay-alay, pagno-novena, at paghingi ng tulong sa Sharonians sa pagdarasal na matuloy ang proyekto. Subalit para sa kanila, "Kung ano ang ibigay sa 'min, tanggap namin."

When the first day of filming finally happened, "Sulit!" exclaims Mes. "Iba pa rin ang charm ni Sharon. 'Pag kaharap mo na s'ya, pag dinidirek mo na at umaakting na, sabi ko, 'Iba rin. May na-feel din ako.' Tapos makikita mo na nag-e-enjoy din s'ya."

Gano'n din ang naramdaman ni Rhea. Balewala na ang naging worries at mga luhang iniyak sa sandaling nakasama na nila si Sharon. Nag-apologize si Sharon sa cause of delay at nagtuloy-tuloy ang kanilang filming na walang naging ano pang aberya. Bukod pa roon ay napakagaang katrabaho ng Megastar at walang reklamo sa kung ano man ang i-offer nila sa kanya sa set.

"Full blown Sharonian na talaga ako," pagmamalaki ni Rhea. "Working with Sharon is a dream come true."

Sa interview na ito, kinuwento rin ni Rhea kung ano ang kanyang naramdaman the first time she met Sharon.







Be my genie! Grant my wish(es), please? See my list. Click on this.

Monday, July 10, 2017

#ATSGotYouCovered: Sharon Cuneta On Going Independent

#ATSGotYouCovered: Sharon Cuneta On Going Independent

There was never a dull moment on the set especially when Sharon Cuneta is around. In between takes, masaya siyang nakikipagkwentuhan sa staff and crew at kapag take na, in serious acting mode na siya.

"Sinasapian din ako, eh," sabi ni Sharon. Paano ba naman, nakukuha pang tumawa after ng isang matinding iyakan na eksena. Very light ang working environment. Sa kada post ng staff and crew sa kani-kanilang Facebook walls, 'yan ang madalas nilang sinasabi. Given na ito ang first independent feature at comeback movie ni Sharon, siniguro ni Rhea de Guzman, line producer, na magiging magaan na trabaho ito para sa kanya.

"Family na kami, tawa lang kami ng tawa," paglalahad ni Sharon.

"Although mainit, naaawa ako sa artista ko, sa tao ko, sa lahat ng parte nito... at least nabigyan kami ng t'yansa na walang problemang malaki sa paggawa ng proyekto," pag-amin ni Rhea.

There are on the set script revisions na binabagay ni Mes de Guzman sa sitwasyon at sa kanilang environment. Minsan din naman, free din na mag-suggest si Sharon ng lines na tingin niya ay swak sa eksena. And Mes is very open to that.

Watch Sharon as she talks about her first independent feature and working with Mes.





Be my genie! Grant my wish(es), please? See my list. Click on this.

Saturday, July 8, 2017

#ATSGotYouCovered: "Ang Pamilyang Hindi Lumuluha," From 2014 To Cinemalaya 2017

#ATSGotYouCovered: "Ang Pamilyang Hindi Lumuluha," From 2014 To Cinemalaya 2017

The project has been with Sharon Cuneta since 2014. Supposedly, they were about to do the filming on November 2014 when Elaine Cuneta passed away. It was put on hold for a while. By 2015, naging busy na si Sharon sa kanyang pagbabalik-telebisyon sa ABS-CBN with shows like Your Face Sounds Familiar and The Voice Kids.

In 2016, naisip ni Mes de Guzman, writer-director, at asawang si Rhea na isali sa Cinemalaya ang APHL. It will be a good venue for the said film and at the same time, a first for Sharon Cuneta. Through her handler Sandra Chavez, they got the go signal to push through with it. Fortunately, naging finalist siya sa Cinemalaya.

"Di rin naman namin ine-expect," kwento ni Rhea. "Ang daming sumasali sa Cinemalaya... pero s'ympre, the fact na we have Sharon Cuneta portraying as Cora, baka nagka-edge talaga ang materyal."

Nang ilabas na ng Cinemalaya last year ang competing films for 2017, in-announce na rin ni Sharon ang pagsali niya sa naturang festival sa kanyang interviews during her Solaire concert promo. Dagdag pa ang pagsasabing co-producer siya ng movie.

From that day on, hindi naging madali ang proseso for both Sharon and the production team. May kanya-kanya silang naging struggles hanggang lumabas na ang kontrobersiya tungkol sa "di pagtuloy" sa pelikula. Binigyan pa diumano si Sharon ng "ultimatum" ng Cinemalaya para makapag-decide kung gagawin ba ang movie o hindi. Dagdag-pressure sa pinagdaraanan ng bawat kampo ang mga nagbabadyang deadlines but to be fair to Cinemalaya, according to Rhea, the word "ultimatum" was never used. Para din naman sa kanila, unfair para sa isang Sharon Cuneta na bigyan ng gano'ng klaseng treatment and pressure gayong gusto nga nilang mag-offer ng magandang working environment kay Sharon.

Then there were talks of replacing her with Maricel Soriano in case she decided not to go through with it. At bukod kay Marya, may iba rin mga artista ang nagpadala ng feelers na interesado silang gawin ang movie.

However, from day one, kay Sharon ang pelikula. Hindi niya ito ni-let go kailanman. Constant ang communication niya at ng production team kahit hindi sila nagbibigay ng anumang public statement tungkol sa controversy. Nahirapan lang si Sharon na ayusin ang schedule niya dahil sa di natuloy na project with Gabby Concepcion at sa inaasahang papalit dito na gusto na ring simulan ng leading man niya agad. "Ginawa ito para sa kanya," paliwanag ni Rhea, "kaya di rin ako bumitaw doon."

By April 8, 2016, Sharon broke her silence. "Relax, everyone. Doing all we can so that we can start and complete my first-ever Cinemalaya entry, 'Ang Pamilyang Hindi Lumuluha,' to be directed by award-winning director whom I respect and looking forward to working with, Mes de Guzman."

Indeed, nakapag-relax na ang marami particularly ang Sharonians na nangangambang maantala ang pinapangarap nilang comeback movie at first indie film ni Sharon.

When Sharon finally fixed her schedule and settled some personal issues, nagsimula na ang filming noong May 20, 2017.

Watch this interview by All Things Sharon with direk Mes de Guzman as he talks about the said Cinemalaya controversy.





Be my genie! Grant my wish(es), please? See my list. Click on this.

Friday, July 7, 2017

Ang Pamilyang Hindi Lumuluha (Teaser Trailer 1)






Be my genie! Grant my wish(es), please? See my list. Click on this.

#ATSGotYouCovered: "Ang Pamilyang Hindi Lumuluha" BTS 1

ATS On Location: Behind the scene look at "Ang Pamilyang Hindi Lumuluha" filming






Be my genie! Grant my wish(es), please? See my list. Click on this.

#ATSGotYouCovered: What made Sharon Cuneta agree to do "Ang Pamilyang Hindi Lumuluha"

#ATSGotYouCovered: What made Sharon Cuneta agree to do "Ang Pamilyang Hindi Lumuluha"

"I believe in direk Mes (de Guzman)," Sharon Cuneta explains as one of the reasons why she decided to do "Ang Pamilyang Hindi Lumuluha." That and her respect for independent filmmakers.

Matagal na niyang gusto gumawa ng indie film. In fact, she started it by coming up with a script writing contest in 2013. Kung sinuman ang mananalo ay mismong siya ang magbibida at magpro-produce ng pelikula. For reasons unknown to us, hindi natuloy ang nasabing contest. However, it was that same contest where Mes and wife Rhea came up with the idea to write something for Sharon and pitch it to her.

Kung ito ang matatawag na first independent movie ni Sharon, then paano made-describe ang "Crying Ladies" noong 2003 na ginawa n'ya sa Unitel Pictures?

Pagdating sa istriktong kahulugan ng indie film, masalimuot na usapan ito. Hanggang ngayon ay wala pang makapagbigay ng definitive na description kung paano matatawag na independent ang pelikula maliban sa hindi ito gawa ng major studios like Star Cinema, Regal Films, and Viva Films. Since hindi gawa ng tatlo ang "Crying Ladies," bakit hindi pa rin ito matatawag na independent film?

Sa film studios, mayroon tayong major ones tulad nang nabanggit ko. Mayroon din naman tayong second players na smaller than the major ones pero big enough player naman sa industriya where Unitel Pictures belongs. The third one, doon pumapasok ang indies.

Sa ngayon ay 'yan ang easiest explanation I can offer though maari pa rin itong makwestiyon since Unitel Pictures is doing Cine Filipino which films fall under independent films at maging ang major players natin ay pumapasok na rin into doing so-called "indies".

Anyway, kalimutan n'yo na ang mga 'yan. Panoorin n'yo na lang ang interview na ito kay Sharon!




Be my genie! Grant my wish(es), please? See my list. Click on this.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails