TSCS: "Dear Heart/PS I Love You/Come What May Medley" with Gabby Concepcion (1987)

Eksena:

9th showbiz anniversary ni misis. Guest ka bilang malaki kang bahagi ng career ni misis at sympre ikaw ang mister.

Pakitang-gilas ka. Act as if everything is fine at maayos ang 3 taong pagsasama n'yo ni misis. Na di kayo maghihiwalay soon after.

Magputi ka para inosente ang dating. Glowing. Pogi. Para nakakamatay ang kacutan.

Bukod dyan, wear your usual Close-up smile. Yong ngiting makatunaw-yelo sa Antarctica at makalaglag-panty para pag nilabas mo, himatay silang lahat! Makakalimutan na nila kasalanan ni Hudas at ni Hitler.

Iiwas 'yan si misis. Lamo naman, transparent 'yan. But don't let her get away from you. Hatakin mo ang kamay. Yakapin mo from behind. In that way, you're also giving in to what your fans want to see. Hindi naman sila kasali sa away n'yo so ibigay ang hilig.

Kanta lang ng Come What May. Duet nyo ni misis after niyang kantahin ang theme songs ng movie nyong Dear Heart at PS I Love You. At knowing misis, iiyak 'yan. Babaw ng luha niyan, eh. Pahiran mo ang luha para sweet. Para caring. Para concern. Para loving. Para pogi.

Sa pagtatapos ng kanta, magba-bye na. Kung lumayo man si misis, kebs. Tapos na ang eksena. Tapos na ang part mo. Babush! Uwi na sa kung kaninong bahay ma-typan. Pogi, eh.

2 days na laaaaaang, #Sharonians! Excited na ba kayo sa #SharonMy40Years?

Get your tickets at TicketNet or SM tickers kung mayro'n pa. Wag na i-risk na sa Araneta Coliseum sa Sept 28 bumili kasi baka maubusan na kayo.

#AllThingsSharon's concert souvenir shirts are also available. Contact admins @bluheart18 or @gigi_czarny to order.

See you on Friday!

#SharonCuneta #GabbyConcepcion #TSCS #ATSGotYouCovered #SH4R0N #TheSharonCunetaShow






Be my genie! Grant my wish(es), please? See my list. Click on this.

Comments