#DearSharon 07 Mula sa Puso ni Ronald Carballo
Ronald Carballo posted this via his Facebook page. He is a writer, reporter, director, and Sharon's former publicist at Viva Films.
Dear Sharon,
Maraming nagtatanong sa akin kung makakabalik ka pa raw ba sa showbiz after mong sulatan ang iyong mga fans tungkol sa iyong pinagdaanan; ilista publicly ang sampu mong mga kaibigan sa showbiz na pinag-uusapan na ngayon, kasabay nang pag-anunsiyo mo na tinapos mo na ang kontrata mo sa TV5 after three years na dapat sana'y limang taon.Objective naman ako. Tahasan kong sinasabi kahit kanino: makakabalik ka. Hindi ka naman starlet na biglang nawalan ng ningning dahil sa maling estasyong nilipatan at mga maling proyekto. Megastar ka na wala ka ng dapat patunayan at may hukbo ka ng mga tagahanga for 35 years na hindi lang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo na may mga Filipino.
Sinabi ko na rin naman noon na wrong move ang pag-alis mo sa Dos at magiging downfall mo ito. Hindi naman ako nagkamali. Oo, totoong umalis ka ng Dos dahil hindi na rin ni-renew ang contract mo kasi pawang mahihina na ang mga huli mong proyekto sa kanila sa TV. Pero nakabawi ka sana at na-sustain sana 'yun kung ni-renew ka pa ng Kapamilya, nag-stay ka pa at binigyan ka pa ng mga mas tamang proyekto.
Naniniwala rin ako na hindi mo naisalba ang TV5 sa pagiging istasyong walang viewership at lalong hindi ka rin naman natulungan ng TV5 para panatilihin ang pagiging Megastar mo dahil mga walang katuturan din ang mga proyektong ginawa mo sa kanila bukod sa wala talagang manonood. Hanggang sa na-shelve na nga lang yung huling sitcom mo sana na "My Pirated Family" with Richard Gomez dahil napakapanget daw nung i-preview ng management, matapos na hindi rin nag-rate ang sitcom mong "Madam Chairman" at 'yung Sunday night show mo na "The Mega and the Song writer" with Ogie Alcasid na wala rin sabi-sabing biglang tinanggal na lang sa ere na ni hindi yata naka-one season.
Hindi mo rin naman kasalanan kung walang viewership ang istasyon. Kahit ang mga fans mo'y hindi ka sinundan para panoorin ka sa TV5. Otherwise, nag-rate sana 'yung dalawang show na ginawa mo. Hindi pa kasi talaga habit ng pinoy at wala pa sa kanilang kamuwangang pindutin ang remote control para manood ng maski anong show sa TV5. Kahit si Sharon Cuneta ka pa na isang Megastar. Talagang ABS-CBN Kapamilya at GMA 7 Kapuso lang ang labanan na pinaglilipat-lipatan ng mga tao para panooran. Siguro kahit sampung taon pa ang palipasin, kulang pa rin para maging pangatlong istasyon man lang ng Pilipinas na panonooran ang TV5.
Sabi ko nga, gagawa ka rin lang pala ng sitcom, sana ginawa mo na sa Dos noon. Baka nag-rate pa at hindi ka na pinalayas. Matagal ka na rin inaalok ng Dos ng soap opera noon para maiba naman, pero matigas ang pagtanggi mo sa paniniwalang ikaw ay isang box-office actress at hindi TV actress. Sabi mo pa noon na tanda ko, ayaw mo 'yung style sa taping na para kang luka-lukang umiiyak-tumatawa na lahat ng emosyon ay mararanasan mo in a day, maghapon-magdamag, sa isang soap opera taping dahil mabilisan nga talaga lahat. Hindi tulad sa pelikula na pwede kang isang eksena lang per day. Ganunpaman, maling desisyon 'yun sa tingin ko. Dapat ay sumasabay ka sa panahon dahil ikaw na rin ang nagsabi, hindi ka na bumabata at ang dami ng mga sumisikat na bagong artistang magagaling din talaga. So, kung hindi mo i-reinvent ang sarili mo, malalaos ka talaga.
Hindi ko alam kung anong teknikalidad at nakakawala ka na sa TV5. Mabuti naman. Praise GOD! Tuwang-tuwa ako at maligaya ako para sa iyo sa napakatamang desisyon mong yan. Ngayon ang malaking tanong ng lahat: saan ka daw lilipat? Dalawa lang naman 'yan. Sabi ko, either bumalik ka bilang Kapamilya o magiging Kapuso ka na.
Alam mo, Sharon, kung ako ang tatanungin at nakabukas naman ang pintuan ng dalawang malalaking network para sa iyo, wala akong pagdadalawang-isip. sasabihin ko sa iyong bumalik ka na lang sa Dos. subok mo na sila at kahit paano'y naging kapamilya mo talaga sila. Naniniwala akong mapapangalagaan ka nilang muli nang husto tulad noon. Basta right project lang, magbabalik talaga ang dati mong ningning bilang nag-iisang Megastar. Higit sa lahat, may TFC ang Dos na number 1 sa mundo at may Star Cinema na makakagawa nang magagandang pelikula para sa iyo. Alam kong alam mo rin na wala kang dapat ikabahala dahil the best ang creative team ng ABS at Star Cinema na hindi ka mapapariwara sa mga proyekto mong gagawin. Kung sa GMA 7 ka naman mapupunta dahil hindi ka na welcome sa Dos, which U doubt, pwede na rin. Sige, maging Kapuso ka na. Pero hindi ko sure, kung maibabalik nila yung dating ningning mo sa sinasabi kong "dating tunay mong ningning". Kung sa GMA 7 ka pupunta, definitely much better place than TV5. Pero mas sure ako sa comeback mo na magiging matagumpay ka talaga kung sa Kapamilya network ka ulit magbabalik.
Kunsabagay, baka bukas lang malalaman na ng mundo kung magiging Kapamilya ka na nga uli o magiging Kapuso ka na talaga.
Saan ka man mapunta sa iyong pagbabalik, dapat ayusin mo muna ang itsura mo physically; Magpapayat ka tulad ng dati mong katawan nung 80's para magulat lahat ng tao na itsura pa lang, worth nang hangaan ka uli at suportahan sa iyong pagbabalik. Alam mo namang hindi naman talaga isyu ang katabaan, pero dahil artista ka at 48 years old ka na, dapat lang na iayos mo ang pisikal mong itsura. Kung kailangan ngang mag-Belo ka na matagal ka nang inaalok para maging endorser, why not?! Walang masama kung mas makatutulong ang siyensiya sa iyo. Sana, iayos mo rin ang singing voice mo na sabi ng marami, matagal nang sinira ng paninigarilyo mo kaya puro hinga ka na lang. Dapat ay maging lively ka rin ulit as a TV host kung sakali. Sa ngayon, mahihirapan ka nang kunin ang trono at korona kay Kris Aquino bilang matagal nang Queen of Talk. Aminin mo rin na dahil sa pagiging sobrang lusog mo, matagal na rin na hindi na ikaw ang "TV Commercial Queen". Si Kris Aquino na rin 'yun. Kailangan ka talagang mag-effort nang doble-doble to redeemed yourself. Para mabawi at dapat mong bawiin talaga ang lahat nang nawalang trabaho at posisyon na pinagrireynahan na ng iba ngayon. Sa iyo naman talaga ang mga 'yun, eh. Kaya madaling mapasasaiyo uli kung gugustihin mo.
Sharon, isa kang mahusay na mang-aawit/concert artist at aktres ng bansa. Kapag ayos na ang itsura mo, ang dali-dali mo nang makakagawa uli ng mga pelikula na hindi ka na mamimili ng materyal dahil sexy ka na uli at pwede ka nang itambal sa lahat lalo na sa ex-husband mong si Gabby Concepcion na matagal na talagang pinakaaasam-asam ng lahat na makita kayong muli sa big screen na minsan ninyong pinagharian. Maging sina Richard Gomez at Aga Muhlach ay mga perfect mong leading men na pawang hindi mo na nakasama sa pelikula dahil nga lumusog ka. Magmumukha ka talagang tiyahin ng mga gwapo at fit pa rin na mga leading men mo kung sakaling magpelikula kayo na sobrang lusog ka. Kapag pumayat ka na kahit sina John Lloyd Cruz, Piolo Pascual, Jericho Rosales o Gerald Anderson at iba pang mga kaliga nila ay pwedeng mong maging leading men sa TV man o pelikula.
Dapat para makabalik ka talaga, maging mas open ka na rin sa mga hindi na gaanong de-kahong role na pwede mong gampanan. Mas maging daring ka na. Sumabay ka sa panahon. Magsi-singkwenta ka na. Tapos na ang panahon ng Dear Heart at PS I Love You na puro pa-sweet ka lang. Dapat matalbugan na ang Madrasta, kung saan ka nag-Grandslam Best Actress. Gumawa ka na uli ng pelikula with direk Wenn Deramas para sure hit uli. With Vice Ganda naman this time. Mag-indie film ka na rin; mag-soap opera ka na rin with the Prince of Teleserye na si Coco Martin; at gawin mo na lahat ng mga hindi mo pa nagawa sa buong career mo para maging kagulat-gulat at makatuturan talaga ang iyong pagbabalik.
Sincerely, galing sa aking puso, hangad ko ang tagumpay mo sa muli mong pagbabalik sa daigdig na alam kong mahal na mahal mo't hindi mo pa kayang talikuran sa ngayon. Alam ko namang gagawin mo ang lahat makabalik lang. Hindi ka naging nag-iisang Megastar for nothing. Lahat 'yan ay pinaghirapan mo nang maraming taon. Hindi dapat masayang dahil lang sa hindi na pagtangkilik ng lahat dahil sobrang lumusog ka.
Lahat ito, madali mong makakamit dahil mahal ka naman ng publiko mo. Lalo na ang matagumpay mong pagbabalik. kayang-kaya mo yan. Lalo't kung talagang magkakaroon ka na ng bagong disiplina sa iyong trabaho tulad nung 80's na simple ka pa lang na artistang very professional. Bukod sa pagpapapayat, importante rin na maibalik mo yung mganda mong working attitude. mas maging professional ka lang uli na hindi nagpapahintay ng mga tao ng sampung oras sa set at matutunan mo rin sana uli kung paano igalang at pahalagahan ang mga co-stars mo at iba pang mga katrabaho. Ganun ka naman dati, eh. Hindi ko maunawaan kung bakit nag-iba ang attitude mo sa work.
Sharon, alam kong alam mo na ito. Ipapaalala ko lang uli: disiplina lang talaga sa sarili at magandang attitude sa trabaho ang dalawang pinakaimportanteng elemento para matagumpay kang makabalik na walang dudang tatanggapin kang muli bilang nag-iisang Megastar ng buong mundo.
Alam ko namang kaya mong baguhin lahat sa isang iglap 'pag ginusto mo para sa iyong kabutihan dahil hindi mo papayagang masayang lang ng ganun-ganun ang lahat ng iyong pinaghirapan sa industriyang ito, kung saan ikaw lang talaga ang nangungunang idolo ng lahat sa panahon mo...
Sincerely,Ronald
Be my genie! Grant my wish(es), please?
Dorina Pineda Wish List
My Amazon.com Wish List
My Amazon.co.uk Wish List


you`re upright in your "unsolicited blogging"...hm oh well.. probably honest in your observations pero pakialamero ka! who are you to give her a piece of advice? are you kiko? lol pinoy talangka trh as in copycat! tsk! ridiculous!
ReplyDeleteBakit ikaw wow, maybe ur so successful, ur so happy, so loved by many, and so perfect!!!!! Yes i am a Sharonian, i will forever be a proud Sharonian! i WILL FOREVER LOVE, RESPECT AND ADORE MEGA! Am not sure if there's someone out there who feels the same towards u! Now only u can answer that!
ReplyDeleteI understand your sentiments towards Mega. I believe na nasabi mo lng yan sa sobrang pagmamahal mo ky Mega. That is your opinion and suggestions for Mega. TANK U FOR THE CONCERN.WE LOVE U MEGASTAR! Comeback and RULE again!
ReplyDeleteI feel that this writer has bitterness is his heart, parang malungkot life ng writer na to. i may be wrong, but the words that come out the mouth is more of a reflection of the person that you are kasi. I love the Megastar, always and forever! NO ONE AND NOTHING CAN EVER CHANGE THAT!
ReplyDeleteLaos ka na kasi Sharon, wag lamon ng lamon. Depress at insecure ka kaya ganyan ang ginawa mo. Alam mong matagal mo ng niloloko ang sarili mo na kumikita mga movies mo, padding ka ng padding kaya ang mga producers alam nila ang worth mo. Takot silang sugalan ka sa movies ewan ko ba kay MVP, bakit nagpaloko sa iyo. har har har
ReplyDeleteSeriously, hindi ko nasundan ang alitan, kung may alitan man si Ronald at ni Sharon, pero nababasa ko lang sa FB na ang mga katulad kong fans ni Sharon ay galit kay Ronald. Sa sinulat ni Ronald dito, I can't see wrong. Hindi naman siya nakikialam pero sa tema ng kanyang panulat, MALAKI pa rin ang concern ni Ronald kay Sharon. Hindi nila ako kilala pareho (Sharon and Ronald) but I will pray for both of them. Alam kong manunumbalik ang dati nilang closeness. I followed their "samahan" since 1980s, kislap days palang. Sana Ronald, manumbalik muli ang inyong samahan.
ReplyDelete