The Voice Kids Teens

The Voice Kids Teens

Monday, June 26, 2017

TheVoiceTeensJune2517








Be my genie! Grant my wish(es), please? See my list. Click on this.

Saturday, June 17, 2017

Sharon Cuneta: "I miss me. I miss being free."


In the uncut, longer version of the "Tonight With Boy Abunda" interview, pinaliwanag ni Sharon Cuneta ang kanyang pinagdaraanan.

Una, ang pagpunta niya sa US (na madalas naman niyang ginagawa) ay breather para sa kanya sa mga sunod-sunod na pagkawala ng mga minamahal sa buhay particularly Willy Cruz.

Na-realize niyang, "I knew I loved Willy, but I did not know he was that precious to me that I was mourning like a lost a parent." She felt guilty that she wasn't able to record a tribute album for him when all her tribute albums for Rey Valera and George Canseco were arranged by Willy.

"Willy, I'm sorry," she cries.

Patong-patong na ang kanyang nararamdaman including those she repressed and denied na na-trigger ng isa pang realization na she is at the age when she is losing people close to her.

Pangalawa, she is a billionaire even before she married Kiko. She is a billionaire in assets. Ang problema ay ang cash flow niya. Maraming investments na kailangang labasan ng pera upang makapasok din ng pera in the future.

When she said na wala na ang kanyang ama to help her, she literally meant it. Na kung buhay pa ang kanyang ama, hindi ito magdadaawang-isip na tulungan siya o gumawa ng paraan para mabayaran ang kanyang mga utang. "Hindi mapaupahan kasi ginagawa pa." Maski siya ay nawiwindang na kung kailan siya umabot ng 51 ay saka naman nasira ang kanyang finances.

Pangatlo, wala silang minana sa ama dahil niloko ng mga malalapit sa kanila ang kanyang ama. Ang perang pinagbentahan ng bahay nila sa Dasma ay ninakaw ng nurse ng ina niya. Hindi ibig sabihin nito ay nakiaalam sa sales ang nurse na pinagtatakhan ng iba. Maaaring cash na ito on hand na ninakaw ng nurse bukod pa sa mga alahas at ibang gamit ng ina.

Pang-apat, "Kiko and I don't have a perfect marriage." Dagdag pa niya tungkol sa post niya na para sa apat na tao lamang niya ibibigay ang kanyang buhay, ang kanyang mga anak, "Kiko said he would die for me, but I can't be plastic and say that I would die for a man (except for her father)."

People don't seem to understand that. Sa Pinas, ang mga magulang (lalo na ang ina) ay mas pinapahalagahan ang mga anak kaysa asawa.

She continues, "I want my family intact." Sabi nga siya sa Basil concert, quota na siya sa bad relationships.

Panglima, mas open siya ngayon sabihin ang laman ng kanyang sugatang puso. Kapag nagsusulat siya sa Facebook, pakiramdam niya ay kausap niya ang kanyang mga kaibigan at fans na kilala siya kaya inaamin niyang may mali siya doon dahil madalas na nami-misinterpret ng marami ang kanyang mga sinasabi.

She then cries, "I miss me. I miss being free."

Sa dami ng mga nangyayari sa kanyang buhay at sa dami ng mga nakaraang walang closure, kailangan ni Sharon ng katuwang at alalay sa buhay. Kaya malaki ang pasasalamat niya sa kanyang fans na hindi siya iniiwan anuman ang kanyang estado sa buhay.

"You don't know what you mean to me. Di n'yo kasi alam ang pinanggagalingan ko," wika niya sa panayam ng All Things Sharon sa kanya.

Click this link to watch the interview.


Be my genie! Grant my wish(es), please? See my list. Click on this.

Thursday, June 15, 2017

#ATSGotYouCovered: Mes de Guzman at "Ang Daan Patungong Sharon Cuneta"


#ATSGotYouCovered: Mes de Guzman at "Ang Daan Patungong Sharon Cuneta"

Bago pa ang "Ang Pamilyang Hindi Lumuluha," mayroon nang encounter sina Sharon Cuneta at Mes de Guzman. It was in 2005 when Sharon saw him being interviewed in Korina Sanchez's "Rated K". He openly talked about the struggles of being an independent filmmaker at naantig naman ang puso ni Sharon that she wanted to help him financially.

Helping new artists make their mark has always been one of Sharon's desires. It is her way of giving back to the industry na naging mabuti sa kanya. Wala siyang planong maging direktor pero pagpro-produce ang pwede niyang gawin kung sakali. In 2005, co-producer siya ng "La Visa Loca" ng Unitel Pictures. Pinagbibidahan ito ni Robin Padilla sa direksiyon ni Mark Meily na siya ring direktor niya sa "Crying Ladies" under the same production noong 2003.

It is seldom talked about pero marami-rami na ring natulungan si Sharon in and out of show business. Hindi naman kasi sya ang tipo ng taong pinangangalandakan ang ginagawa niyang tulong sa mga nangangailangan. At maaaring ninais niyang mag-invest muli sa filmmaking under Mes.

Anyway, hindi natuloy ang kanilang pagkikita dahil nagpunta si Mes sa iba-ibang bansa para sa kanyang pelikula. Fast forward to 2013, he presented "Ang Pamilyang Hindi Lumuluha" to Sharon at dito na nagsimula ang naunsyami nilang pagkikita.

Watch the interview as direk Mes relates the story.








Be my genie! Grant my wish(es), please? See my list. Click on this.

TheVoiceTeensJune1117







Be my genie! Grant my wish(es), please? See my list. Click on this.

Saturday, June 10, 2017

#ATSGotYouCovered: The Story Behind "Ang Pamilyang Hindi Lumuluha"


The germ of the project started in 2013 when Sharon Cuneta launched her script writing contest. She was looking for a fresh material to do then that she will produce herself.

Rhea de Guzman, producer and a Sharonian, saw this as an opportunity to work with Sharon. She asked husband director Mes de Guzman to join the said contest.

Mes told her, "Ba't tayo sasali diyan? Gawa na lang tayo ng story na para sa kanya talaga."

Mes started working on it by watching some of Sharon's films. Dahil tailor-made kay Sharon ang pelikula, gusto nilang maging iba ito sa kanyang mga nagawa at maging sa kanilang mga nagawa na mismo sa Cinelarga Productions. Bukod pa roon ay comeback movie ito ni Sharon dahil 2009 pa ang huling pelikula na nagawa niya.

"Pinanood namin ang BFF," nabanggit ni Mes habang hinihintay matapos ang set-up para sa kukunang eksena. May pagka-comedy ang APHL pero malayo ito sa style ng comedy na ginawa ni Sharon sa BFF.

When they presented the material to Sharon, nagustuhan niya kaagad ito and decided to co-produce it. They were about to start filming in November 2014 when her mother Elaine passed away. Understandably the production was put on hold.

On this video, Rhea herself talks about how the project started. (Sa mga susunod na interviews na dapat n'yong abangan, ikukuwento ni Mes ang unang encounter niya kay Sharon at ipapaliwanag naman ni Sharon kung bakit niya tinanggap ang proyekto.)








Be my genie! Grant my wish(es), please? See my list. Click on this.

Monday, June 5, 2017

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails