Unexpectedly Yours

Unexpectedly Yours

Sunday, October 30, 2016

The Sharon Cuneta Channel Video 003: Miguel's 7th Birthday Party! (October 30, 2016)




Be my genie! Grant my wish(es), please?
Dorina Pineda Wish List
My Amazon.com Wish List
My Amazon.co.uk Wish List

Friday, October 28, 2016

The Sharon Cuneta Channel Video 002: Back at the Solaire! Oct 27,2016




Be my genie! Grant my wish(es), please?
Dorina Pineda Wish List
My Amazon.com Wish List
My Amazon.co.uk Wish List

The Sharon Cuneta Channel Video 001: Hello from my dressing room at Solaire! Oct. 22, 2016




Be my genie! Grant my wish(es), please?
Dorina Pineda Wish List
My Amazon.com Wish List
My Amazon.co.uk Wish List

Video: All Things Sharon At Solaire

Kung paano kagiliw si Sharon Cuneta sa fans niya on cam, ganoon din siya "off-cam". Madalas, kung may pagkakataon, she never missed to greet them one by one. Kung hindi man malapitan. mabeso o mayakap, tinatawag niya ang pangalan at binabati. Never din siyang nag-turn down ng mga bagong kilalang fans. Pa-picture ka? Di ka niya tatanggihan. She was taught by her parents to give importance to the people who support her at di niya nakalimutan 'yon. When she says "Thank you", she means it! And that is one of the things we, Sharonians, appreciate about her.


ALL THINGS SHARON
Subscribe & Follow
YT: sinepelikula
Blogger: http://dorinapineda.blogspot.com
FB: https://www.facebook.com/allthingssharon
Twitter: http://www.twitter.com/allthingsmega
IG: http://www.instagram.com/allthingssharon




Be my genie! Grant my wish(es), please?
Dorina Pineda Wish List
My Amazon.com Wish List
My Amazon.co.uk Wish List

Sunday, October 23, 2016

Video: Sharon Cuneta's Message For All Things Sharon

Matagal ko na siyang gustong hingan ng message para sa All Things Sharon pero hindi ko nagagawa. Kalat-kalat ang utak ko kapag kaharap na siya. Finally, I did it! At ang bilis ng utak niya! Alam na niya kaagad kung ano ang sasabihin niya. Pakahusay!

Salamat, ate Sharon Cuneta!



Be my genie! Grant my wish(es), please?
Dorina Pineda Wish List
My Amazon.com Wish List
My Amazon.co.uk Wish List

Tuesday, October 11, 2016

Sharon Cuneta: My condolences to all their, our family...

(Originally posted in Sharon Cuneta Page dated October 11, 2016)

I have been quietly dealing with so much in my personal life, all while taking advantage of the opportunities to enjoy that working provides me, and just trying my best to stay grateful to God for His faithfulness and goodness.

A month or so ago, I lost a half-brother, Kuya Danny. I was never particularly close to him, but there was no bad blood between us. I wanted to much to help him more, but I myself had way TOO many obligations to have to meet and like I said in interviews recently, though I would still be considered quite wealthy, I do still have huge concerns, like other investments that would not allow me too much freedom with handling cold cash at the moment.

About two weeks ago, I lost another half-brother, my above brother's brother, Kuya Freddie. I felt worse about losing him as our Daddy wanted nothing more than ALL his very many children to get along. Kuya Freddie and my Mom had a falling out years ago. And, well, you know how fiercely protective I was of my parents. I regret that we never had the opportunity to make up and forgive each other in person.

Today, after a happy first rehearsal day for my Solaire concerts, then dinner with KC, Frankie and Miguel at our favorite Makati restaurant, Sakura, with the bonus of meeting Alden Richards there (Frankie is a big ALDUB and Liza Soberano, Daniel Padilla fan. We all are too.), I come home to see my Miel and my husband and settle down in contentment, finally, when I decide to check my phone (which everyone knows I rarely do nowadays). And I see that I received a message from my niece Josette saying that my half-sister, the last of the three siblings (children of one mother), my Ate Ningning, passed away today.

Ate Ningning and my Mommy were able to spend time and talk in the hospital two years ago just before my Mama passed away. I grew up seeing Ate Ning and her children Abby, Bunny, Patrick and TonTon in our house more often than my other Cuneta relatives (except for my Kuya Butch who lived with us for a few years and who I still adore and love dearly). I never had the chance to talk to her in the past several months. You always think there is going to be a tomorrow, until there are no more of it.

My condolences to all their, our family...

I wish I could say more, but alas, these are private matters. All I can say is that if I could have been there more, in more ways than one, I would have without any hesitation.

May God give all of you strength and peace at this most painful time, Abby, Bunny, Patrick and Ton. And all our brothers, sisters, nieces and nephews.

I do not know what else to say, what else to do with myself. I lost Tito Teddy Del Rosario too, Boss Vic's brother who I grew up seeing in all the years I worked for Viva since I was a teenager. My deepest condolences to the whole Del Rosario and Viva Familes, too...

It feels like so many are being taken away from me...I pray this is it. At least for a long while.

Thank you for bearing with my sadness. I don't plan these things as you know. I promise to try my best to deliver better and happier news again next time, no matter what is going on in the life I live that you do not see.

God bless you and good night.

Love you all always,
Sharon.


Be my genie! Grant my wish(es), please?
Dorina Pineda Wish List
My Amazon.com Wish List
My Amazon.co.uk Wish List

Video: MBSharonKikoSaMagandangBuhayPartTwo




Be my genie! Grant my wish(es), please?
Dorina Pineda Wish List
My Amazon.com Wish List
My Amazon.co.uk Wish List

Wednesday, October 5, 2016

Sharon Cuneta: "Right now I am so sad..."

(Originally on Sharon Cuneta's Facebook Page dated Oct. 4, 2016)

Right now I am so sad...

I don't understand why I have ended up here, not only where I love being, which is showbiz, but in politics where I grew up having a mayor as a father and swearing to myself I would never marry a politician (I saw Daddy being used, abused, misunderstood, hurt, taken advantage of too many times. And sometimes I never saw him at all). Well, as they say, "Man plans and God laughs." Isn't that so true. Artista at mang-aawit at TV show host lang po ako. Napakarami naming hindi pinagkasunduan ni Kiko sa paniniwala sa politika mula pa nung umpisa. Kahit kami ng Daddy ko noon ganon din. Pero dahil may respeto kami sa isa't-isa, hindi na namin kailangan pang isa-publiko ang mga diskusyon naming mag-asawa noon o ngayon.

Noong panahon ng laban ni FPJ at GMA, obvious ba best friend ko si FPJ at ang puso at panininwala ko ay buong-buong nasa kanya? Pero hindi naman din maganda na iwanan ko ang asawa ko at sa publiko bastusin ang kanyang paniniwala kay GMA. PERO HINDI AKO NAGSALITA O NANGAMPANYA. Buti na rin lang nakapag-usap kami ni FPJ ng maayos at since malawak ang kanyang pag-iisip, madali kaming nagkaintindihan. Siya pa nga ang nagsabing huwag ko nga iisipin yon at pag tapos na lahat ng politikang ito, kami pa rin ang magkaibigan. Sabagay, di naman kami puede maging best friends kung di siya matalino.

Nitong huling eleksyon, napansin niyo ba wala akong kinampanya para pangulo? Dahil kay Sen. Grace Poe. Mahal ko siya. Mahal ko si Tita Susan. Pamilya ko sila. At kahit kaibigan ko si Sec. Mar at Korina, hindi ko maikukumpara ang history namin ng mga Poe sa kanila. Si Inday (Mayor) Sara Duterte, kaibigan ko siya since 2012. Naging magkaibigan kami ng WALANG KAALAM-ALAM ANG POLITIKA. At hanggang matapos ang lahat ng ito, alam ko magiging magkaibigan pa rin kami. Si VP Leni Robredo, kaibigan ko. Kaibigan na ng pamilya namin si Sec. Jessie bago siya pumanaw. Si VP Leni ay pinangakuan kong suportahan noon pang tatakbo pa lang siyang congresswoman hanggang VP. At ginawa ko. Si Bong-Bong at ako, mula kabataan, magkaibigan na. Di ko naman alam na tatakbo din siyang VP, pero gaya ng sinabi ko, malalawak ang isip ng mga kaibigan ko. Naiintindihan nila ang mga nauna mo nang binigay na salita, etc. Ganon din kasi naman siguro sila. Di pa kami nagkikita ni Bong-Bong pero jusko sa dami ng dinaanan namin noon pa, di naman kami kahit kailan nagkagalit. Mahal ko yun eh. Pasensiya na po pero pangit talaga yung kaibigang nang-iiwan ng walang sapat o acceptable na dahilan. I have been hurt and betrayed so many times that I find it very difficult to trust anyone nowadays.

Also, napagod na ako na nawawalan o nababawasan o pinagdududahan ng kaibigan.

Tulad mula pa noon, ang buong Estrada family panahon pa ng Daddy ko na Mayor na kasabay ni Tito Erap at magkaibigan sila, nasangkot na din ako nung naging Senador ang asawa ko. Buti na lang din, matalino si Jinggoy at si Tito Erap. HANGGANG NGAYON kami pa rin ni Jinggoy ang magkatext at magkausap. Thirteen pa lang ako kaibigan ko na si Jinggoy. Mayat-maya nagtetextan at tawagan pa kami. Dadalawin ko pa nga siya. Si Tito Erap hanggang ngayon ninong ni KC at mahal kami.

Ang dami-dami-dami ko pang gustong banggitin na pangalan na kaibigan pero huwag na lang. Nalulungkot lang ako. Di ko naman kasalanan na Senador at may sariling paninindigan ang asawa ko, at sa maniwala kayo at hindi, sang-ayon man kayo sa kanya o hindi, MATINO SIYANG TAO. MABUTI SIYANG TAO. MAKADIYOS, MAKAPAMILYA. PINAGMAMALAKI KO ANG PRINSIPYO NIYA. Tama o mali, asawa ko siya. At di po ba, mas mali naman yung awayin ko siya sa publiko? SANA MAGKAISA AT MAGKAAYOS-AYOS NA ANG LAHAT NG NAGSISILBI SA BANSA NATIN. WALA NAMANG IBANG PARAAN. DI LANG MGA POLITIKO ANG NAG-AAWAY, KUNDI TAYO-TAYO NA RING MGA MAGKAKAPATID NA PILIPINO. ANO BA NAMAN YON? Nakakahiya naman kina Gat Jose Rizal at sa iba pa nating bayani. Binigay ang sariling buhay tapos gugulo lang pala ang pinaglaban nila. Huwag na rin tayong magmalinis. WALA NAMANG PERPERKTONG LIDER OR TAO. Bigayan na lang po sana tayo.

Kung may kinaiinisan ako, yon ay ang pumasok si Kiko sa pulitika. Kasi gusto ko buhay na tahimik pag nagretire na ako. Gusto ko magpaligaya lang ng tao. Ayoko na nawawalan o pinagdududahan ng kaibigan kasi sobra akong loyal at totoong kaibigan, lalo kung dahil lang sa pagiging tiga-politika ng asawa ko. At yun ang calling niya eh. Gusto niya magsilbi ng TAPAT. Lahat po ng meron kami pinaghirapan namin. Pinagtrabahuhan. Lahat ng pork barrel niyang natanggap ng lahat ng politiko nung araw pa napunta sa tama. Ang joke nga namin dito, kung yung iba may unexplained wealth, si Kiko naman unexplained POVERTY! Ako siguro naman di na kaila sa inyong pinanganak nang maganda ang buhay at mas nakaipon pa ako ng malaki sa Tatay ko. Kaya okay lang po kami di namin kailangan magnakaw! ILANG BESES NA RIN NA SARILI KONG KALIGAYAHAN ANG SINAKRIPISYO KO PARA SA MGA MAHAL KO SA BUHAY, MULA PA NOONG MALIIT PA SI KC. Lagi silang una. Ako, di bale nang huli.

Minsan, sa totoo lang, kahit mahal na mahal na mahal ko ang asawa at mga anak ko, gusto ko umalis at magtago ng matagal na matagal. Yung walang may kilala sa akin. Pero sa isang lugar na mahal ko. Madami namang lugar yun so okay lang. Pero di puede eh. Mamimiss ko pa kayo! Sana lang kahit sana one month bago ako mamatay, IBIGAY NAMAN NG PANGINOON ANG IISANG DINASAL KO NA DI NAIBIGAY SA AKIN. ALAM NAMAN NIYA NA INUNA KO ANG AKALA KONG MAKAKABUTI SA MGA MAHAL KO SA BUHAY KESA SA IKALILIGAYA KO. GUSTO KO MAMATAY NA KUMPLETO ANG PUSO KO, DI GUTAY-GUTAY, DI KULANG. Anuman yon, akin na lang po yon. Alam niyo, masayahin akong tao. Kilala ninyo akong bungisngis. Pero di ba kayo nagtataka kung bakit napakababaw din ng luha ko? May dinadala ako sa puso ko na wala naman makakaayos. Kaya nga dasal na lang ako ng dasal.

Sorry po. Di naman ako nagagalit, naglalabas lang po ng naiisip at kaunting kalungkutan. Para ko na kasi itong naging diary kaya ayan, pati tuloy kayo nadadamay. Pasensiya na po. At least this might make you understand certain things about me a little better.

Anyway -- the good news is -- GOD IS ALWAYS GOOD. LIKE I SAID THE OTHER NIGHT: NEVER DOUBT THAT.

And to you, my friends and fans, thank you for continuing to support me on this journey. Looks like it's all coming up roses again. So lemme just do what I do best. After all, I'M STILL HERE. :-)

God bless you all and thanks again from the bottom of my heart.

Goodnight.

I love you very much.


Be my genie! Grant my wish(es), please?
Dorina Pineda Wish List
My Amazon.com Wish List
My Amazon.co.uk Wish List

Tuesday, October 4, 2016

Review: The Trouble With "Minsan Pa: Kahit Konting Pagtingin 2" (Eddie Rodriguez, 1995)

(Originally posted in Sinepelikula)

Minsan Pa: Kahit Konting Pagtingin 2 (Eddie Rodriguez, 1995) should never have happened. The original which came out in 1990 was a huge hit for both its stars Fernando Poe, Jr. and Sharon Cuneta and should've been left alone. It was released in 1995 where careers of both stars were waning and thus the desperate attempt to catch the glory of the first movie. Unfortunately, it didn't work. Flaws and all, Kahit Konting Pagtingin (Pablo Santiago) is perfect as it is!

I see several problems in the sequel.

1. Overt romantic angle between Delfin (FPJ) and Georgia (Sharon).One thing great about Kahit Konting Pagtingin is how the romance between its characters was downplayed. The age difference between Sharon and FPJ was taken into consideration kaya subtle lang ang pag-handle sa love story nilang dalawa (kung love story ngang matatawag ang mayroon sila) para maiwasan na icky factor. Mahusay ang pagkabig sa mga eksenang animo'y nagpahahayag ng pagtingin ang mga karakter sa isa't isa subalit babawiin sa susunod na eksena. 

Isang halimbawa rito ay ang paglalasing ni Georgia nang makitang nagpunta sa bahay ni Cora (Ali Sotto) si Delfin. Pwedeng selos ang makitang nararamdaman niya sa pagkakataon iyon but it could also pass as mere concern for a good friend. Gusto ni Georgia na mapunta si Delfin sa babaeng may disenteng trabaho. (Cora works as a prostitute.) During the next scene, any love angle was dismissed. Georgia apologizes and talks about her and Delfin's failed relationships with other people.

(That lambanog scene rightfully captures the dynamics between a man and woman. 'Yung mag-e-emote nang todo si babae at hindi maiintindihan ni lalaki kung bakit.)

The abandoned building scene where Sharon uttered the famous line, "Ang hirap sa 'yo, Delfin, maaga kang pinanganak," and FPJ replies with, "Ang hirap sa 'yo, Georgia, huli ka nang pinanganak" addresses the issue of their age difference. Hadlang nga ba ang edad sa kanilang dalawa? It seems to think so especially when Sharon said before that, "Magkaibigan tayo, di ba, Delfin?" Doon pa lang ay tila natuldukan na ang kung anumang romansa ang inaasahan ng audience para sa kanila.

Sa kahuli-hulihang eksena, hindi tahasang nagpahayag ng nararamdaman sina Georgia at FPJ sa isa't isa. Ang sinambit ni Georgia ay, "Kailangan kita, Delfin" which is open to different readings. Kailangan ba niya si Delfin bilang katuwang sa hacienda ngayong wala na ang kanyang ama? Kailangan ba niya ito bilang protektor niya? Kailangan ba niya ito bilang lalaking kanyang masasandalan? Kailangan ba niya ito bilang kasintahan?

Such subtlety was lost in Minsan Pa. Sa umpisa pa lang ay lovesick na si Georgia sa pagkawala ni Delfin ng limang taon at gusto niya itong hanapin upang i-rekindle ang kung anuman ang mayroon pa sila. 

Siguro ay sa love angle na nga talaga ang tungo ng sequel. Still, may magandang paraan naman patungo rito.

2. FPJ-centric. From Sharon-centric in KKPMinsan Pa became FPJ-centric. Nothing wrong with that. However, Sharon-centric man ang una, equal pa rin naman ang parts ng both characters. Importante ang bawat karakter sa isa't isa, and one won't work without the other. 

Sa sequel, Georgia became an accessory to Delfin. Walang masyadong bigat ang karakter niya. She could've been played by any other actress since nabago na rin naman ang characterization niya. Ang issues niya sa pagkawala ng kanyang ari-arian ay dali-daling nasolusyunan sa pamamagitan ng isang sulat at hindi na kinailangan pa ang presence niya sa eksena. In passing lang ang nangyari sa naturang problema at solusyon.

At dahil FPJ-centric, ang bulk ng mga eksena ay kay FPJ. Conflict ng kanyang karakter ang pinagtuunan at dito umikot ang buong kuwento kabilang na ang mahabang car/motorcycle chase scene. Again, nothing wrong with it. Baka naman it's time na si Delfin naman ang i-focus. The problem is, napabayaan si Georgia.

3. Contrive. FPJ movies have certain beats. May formula. Dugtong-dugtong ang mga pangyayari. Nasusundan ng kontrabida ang bida kahit saan siya magpunta kahit pa accidental lang ang pangyayari. Ang bida ay nagkataong tatawag sa isang taong binubugbog ng kontrabidang naghahanap sa kanila at malalaman kung saan sila naroroon. May habulan. May suntukan. May comedy na wala sa tiyempo at walang kinalaman sa takbo ng kuwento. (That "Kris Aquino" wedding scene! Jusme!) May pagkakataong magkikita ang dalawang bida sa isang ospital dahil doon naospital ang isang bida at ang kaibigan naman ng isang bida.

Ayun! Manonood ka ng FPJ movies at makikita mo ang sinasabi ko. (Though absent ang eksena kung saan may dalawang babaeng nag-aaway dahil kay FPJ na present sa KKP.)

With that, I am not saying that Sharon movies are not formulaic. For a Sharon fan, I'm just saying that the FPJ formula doesn't work for me. Ito rin siguro ang dahilan kung bakit di patok ang pelikula na ito sa Sharonians. Hindi ko alam kung paano naman ito tinanggap ng FPJ fans.

Speaking of Sharon formula, Georgia as singer! How original! Napasabay lang ng kantahan sa mga kapitbahay sa KKP, singer-singeran na ang peg?!

4. Lost characters. Ang tanging nagkakabit na lang sa Minsan Pa sa KKP ay ang pangalan ng mga karakter. Other than that, it could pass as a different movie not related to the first one. Ibang-iba na ang demeanor ng dalawang bida. Wala itong kinalaman sa itsura nila 5 years later pero sa kung paano kumilos at umasta ang karakter nila 5 years ago.

Nawala ang sophistication ni Georgia. Kahit pa sabihing nadagdagan siya ng timbang, the character should have stayed the same. Maging sa pananamit ay ang layo-layo niya sa nakagisnan nating Georgia. Hindi na siya strong-willed bagkus ay brat na. Wagas kung makautos sa kanyang yayang kumupkop sa kanya nang siya'y maghirap. Matindi kung pintasan ang taong nagpasakay sa kanila ni Delfin patungo sa pupuntahan nila. Malayong-malayo ito sa Georgia na nahihiyang pintasan ang lamok at tigas ng tulugan sa bahay ni Delfin nang patuluyin siya nito sa oras ng kanyang pangangailangan at natutong makisama sa common tao. 

Bukod sa hindi na-maintan ang karakter ni Georgia, naging masyado ring magaslaw ang kilos at akting ni Sharon na akala mo'y Megamol (1994) pa rin ang kanyang ginagawa.

Gayundin si FPJ. Nawala ang reservation at calm demeanor ng kanyang karakter. Naging magaslaw rin siya. Tila in-enjoy na lang nila ni Sharon ang paggawa ng pelikula, unmindful of the characters they set in the beginning.

5. Stupid dialogues and overreaction, genre shift

Example: 

Habang kumakanta ay umuubo-ubo na si Georgia. Bumaba siya. Sinabi ng kanyang yaya na hindi na dapat siya pumasok pa dahil masama ang kanyang pakiramdam.

Sa taxi, inuubo at sinipon na nang matindi si Georgia. At sasabihing niyang, "Yaya, ang sama ng pakiramdam ko."

Didn't we already establish that from the beginning? Opening pa lang ng eksena, alam na ng audience na may sakit siya. In fact, kaya nga siya umuwi ay para makapagpahinga.

Yaya says in her high-pitched voice, "Georgia, nilalagnat ka! Nilalagnat ka, Georgia! Mama, dalhin mo kami sa pinakamalapit na ospital!"

First time bang lagnatin ni Georgia?!

Walang ganitong mga kapalpakan ang KKP. Mahusay ang pagkagawa nito at pinag-isipang mabuti ang mga eksena. Ang bawat dayalogo ay sinasambit dahil kinakailangan sa eksena at di parang hinuguhot lamang sa hangin para punuuin ang mababaw na script.

The genre has changed, as well. From romantic action drama, it became an action comedy. 'Yung comedy pa na hindi nakakatawa at action na unexciting. Maganda sana ang car/motorcycle chase scene kung hinaluan ito ng enough thrills and action at hindi 'yung pinapatakbo lang ang sasakyan.

This film feels like an afterthought kaya maging ang kanyang mga eksena at dialogue ay parang hindi gaanong pinag-isipan. They should've made a different film for Sharon and FPJ instead of banking on KKP's popularity.

P.S.

Is this the first movie where FPJ punch a woman? It seems atypical of his film characters to do so.



(Photo used was from the teaser poster of Minsan Pa) 



Be my genie! Grant my wish(es), please?
Dorina Pineda Wish List
My Amazon.com Wish List
My Amazon.co.uk Wish List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails