Unexpectedly Yours

Unexpectedly Yours

Friday, March 14, 2014

#FlashbackFriday My Mega Valentine Two (2007)

Originally posted on February 11, 2007

My Mega Valentine Two started late and slow even though Sharon opened with an upbeat song. She went on stage by herself without any dancers to back her up. Maybe due to the fact that the show was an hour and a half late, the opening was not well-received by the audience. Or maybe it was just because the song sounded unfamiliar. It was only during her Isn't It Romantic? medley that the crowd started to warm up. We sang along with her. That first act felt very intimate and could've worked better in a smaller venue. Besides, Mega wasn't in her bubbly and lively self then. As it turned out, she got sick days before the concert.

However, the show picked-up when Pops Fernandez entered the stage with her '80's-'90's dance hits medley. Even with no back-up dancers to accompany her, she was able to put the audience on their feet. From then on, the fun and entertainment didn't stop. Sharon also started to warm up; cracking jokes every now and then as she always does in her shows. (Sumusundot siya nang nakakatawang pangangampanya paminsan-minsan.)


Apo Hiking Society's medleys were also a blast! Napaluha kami sa kakatawa.

The show had its memorable moments. First was Mega's letter to Pops. It was so heartfelt and touching that Pops (and some of the audience) couldn't help shedding some tears. She said that it was the best appreciation she got from anybody. True enough, Sharon wrote the letter so beautifully that any heart could melt even if it wasn't about them.


Second, Vilma Santos' appearance in the audience. S'ympre, laking pasasalamat ni Mega at nandun ang idol niya para panoorin siya. She and Pops reminisced the times when they used to look inside Ate Vi's backyard just so they could get a glimpse of her. Stalking mode ang mga hitad! Back then, magkalapit lang ang mga bahay nila sa Dasma. Then Shawie made one of the funniest remarks that night: "Alam ko, Ate Vi, ikaw not just once but twice... Pero wala pa ring tatalo sa Alaska!" Humagalpak kami sa kakatawa sa mga salitang 'yun! She apologized afterwards saying that it was a part of her job. 

Third, the wonderful medleys that Sharon and her guests did. Better selections than the first MMV concert. Sharon and Pops's "Where Do I Begin" duet was to die for! (Incidentally, a favorite song of mine.) Ganda talaga! Swak na swak sa gabing iyon!

Kahit late nagsimula ang palabas, bumawi naman si Mega! She gave us a two hour and a half show that ended at 12:00 AM. Nag-alisan na 'yung iba sa pag-aakalang tapos na 'yung show after singing "To Love Again". But then, tuloy pa rin si Mega ng pagkanta ng dalawang awitin pa. Her final song was "Friends", a fitting tribute to all her fans who supported her - she'll be celebrating her 30th year in the business. According to her, it was the first time she ever sang it in a concert.


MMV2 was even better (and memorable) than the first one. I am so glad that we didn't miss this one! (Muntik na!)

Anyway, here is the two-part video I took with Sharon and Apo singing the latter's medley of songs.


During the concert also, Shawie talked about the duet that she did with her musical director, Louie Ocampo, in passing. It was from the album "Sharon" called "Ewan". Ah, si Louie pala 'yun. Nice! :-)


Shawie, thank you for such a memorable night! T'was a money well spent. 

#FlashbackFriday Si Manang Sa Sharon (2007)

Originally posted on February 3, 2007


"Guest si Lea sa taping ng Sharon tomorrow. I have only one slot available. I put your name on it. 7:30 ang call time. Text me if you can make it," was the message that I got from Gigi of Sharonians Online. 
Excitement crept all over me! Lea and Sharon, together? Lea on Sharon? Ay, grabe! Heaven ito!

As expected, Sharon didn't fail to amuse us fans with her funny antics and comedic dialogues. Ika nga ni Biboy, watching her is like watching a stand-up comic. Mega-laugh ka talaga sa mga pinagsasasabi niya off cam. 

"Sabi ko sa n'yo, masaya rito pag taping, eh. Dami kayong malalaman off-cam tungkol sa 'kin," she said while on a break. Her fave jokes are about her ex'es, her weight, and Kiko.

However, s'ympre ang special that day ay si Ms. Lea Salonga, I haven't seen her or watch her that close. She even interacted with the audience from the AFLS group. Nasabi nga ng kaibigan kong si Acy, "Sarap manood nang malapitan!" She almost cried during Robert Seña, Isay Alvarez, Michael Williams, and Lea's performance of Miss Saigon songs. 


"Ikaw ba naman manood ng Miss Saigon ng libre sa balcony at hindi pa si Lea ang Kim," she added while reminiscing the day she went to see the play in CCP. Pagkalayo-layo nga raw nila dahil complimentary lang ang ticket mula sa munisipyo ng bayan nila. The MS alumni sang "Sun and Moon" and "Last Night of the World".

The whole show can be summarized as a mini-concert conducted by her brother, Gerard Salonga with the Global Studio Orchestra. During the opening, Sharon and Manang (as what her legion of fans fondly calls her) sang "It Had to be You." It was followed by "Bakit Labis Kitang Mahal" to which the audience gladly sang with her. 

"Oh they remember the song and the movie," Manang blurted out. 

Sagot naman ang Acy sa tabi namin, "Oo naman! Gusto mo Dear Diary pa, at Pik Pak Boom, eh!" 

Then I answered back, "Next song naman 'Please Naman'."


"Ano 'yun?" Acy asked. Ay, hindi niya naabutan ang kantang iyun. Napahiya naman ako! Lumabas tuloy 'yung edad ko. 

Afterwards, she sang her Inspired debut single called "Promise Me" followed by her soon to be Fantine song "I Dreamed a Dream". At the end, she and Mega sang "Sana Maulit Muli." 

Hay, kung lumabas sina Poknat at Bokbok, mas sulit! Hahaha!

During the interview, Sharon fondly remembers how they were together in a film but not exactly together. It was in Captain Barbel where Lea played Tenten's (Herbert Bautista) love interest while she played Darna. 

"Oy, naging Darna rin ito minsan, " Sharon jokes. "Hahanapin ko nga 'yung picture ko n'un at ikakalat ko!" 

Then, nagkantiyawan nang ipalabas ang message ni Bistek. "Honestly, he never made his intentions clear before," Lea reminices. "Either that, or I was too naive to realize that he was already courting me." 

In his My Favorite Show interview though, Bistek said that not admitting to Lea his feelings for her was his biggest regret until now. He was too torpe back then that every visit he made in their house, he would end up talking to her dad all day.

Sharon thanked Lea for the wonderful rendition of her songs that she did in her Songs from Home concert. "We really didn't do much arrangement on them. They were good the way they are. We believe in the saying, 'If it's not broke, why fix it', right?" 

So, yun! T'was an unforgettable night, indeed. 

Ang Babaeng Birhen sa "Kailan Sasabihing Mahal Kita" (Garcia, 1985)

Originally posted on April 9, 2013

Ang pagiging "wholesome" ang naging bentahe ni Sharon Cuneta sa pelikula. Ang kaniyang imahen ay uminog sa kanyang sinasabing natural sweetness at pagiging ever-obedient, ever-loving daughter ng kanyang mga magulang. Pumasok sa kasagsagan ng bold era, maaaring siniguro ng mga taong nakapaligid sa kanya na tataliwas siya sa pinapakitang laman ng mga pelikulang kabilang sa naturang era. Sa kanyang first years in show biz, hindi siya kailanman sumubok na magpakita ng laman. Madalas ay balot na balot ng kasuotan ang kanyang katawan kahit siya pa ay nasa beach--in contrast sa mga kaibigang kasama niya na nakasuot ng swimsuit. (Though more than her supposedly wholesome image, Sharon is said to have not enough confidence in wearing swimsuits at that time.) Hindi rin siya nakipaghalikan sa kanyang mga leading men. Malaki ang pagpapahalaga ng kanyang (mga) karakter sa dangal ng kanyang pagkababae. Sa madaling sabi ay epitome ng pagiging birhen (virgin) na siyang bukod tanging pinahahalagahan ng kanyang karakter (at mga nakapaligid sa kanya) sa pelikulang Kailan Sasabihing Mahal Kita (Eddie Garcia, 1985).

Nagsimula ang suliranin ni Arra (Sharon) nang makita siya ng kanyang Auntie Teresing (Virgie Montes) na palabas ng motel habang nakasakay sa sasakyan ng kanyang kasintahang si Henry (Joel Alano). Galit na galit ang kanyang amang si Bob (Eddie Rodriguez) nang malaman ito. Halos bugbugin siya nito sa galit na hindi pa sasapat dahil para rito ay hindi na kailanman malilinis ang duming nilagay nito sa kanilang pangalan. Kahit pa buong tangging sinasabi ni Arra na walang nangyari sa kanila ni Henry at handa siyang magpa-check up upang mapatunayan ito ay hindi siya pinaniniwalaan ni Bob. Ang pakasalan siya ni Henry ang magiging solusyon lamang sa kahihiyang dinulot nito sa kanya.

Sumugod si Bob at ang kanyang pamilya sa tirahan nina Henry at ng kanyang mga magulang. Nagwawala ito at pinagsisigawang kailangang pakasalan ni Henry si Arra. Subalit tinatago si Henry ng kanyang mga magulang. Hindi pa silang handang ipakasal ang kanilang anak, at hindi rin sila nakakasisigurong si Henry ang nakauna kay Arra.   

Naging hopeless si Bob. Kailangang may magpakasal kay Arra upang maisalba ang kanilang dangal. Nagdesisyon silang ipakasal ito kay Romy (Vic Diaz) na 25 years ang tanda rito at "pagkapangit-pangit," ayon sa isang kakilala.


Naging desperate si Arra. Hindi niya gustong makasal sa taong hindi niya mahal. Tila death sentence ito para sa kanya.Naisip niyang maglayas. Sa tulong ni Jake (Christopher de Leon) ay nagpunta siya ng Maynila upang malayo kay Romy at sa kanyang pamilya. Sa kanyang paglalayas ay panibagong pagsubok na naman ang kaniyang kinaharap subalit hindi na siya mag-isang humarap dito. Kasama na niya si Jake na humarap sa mapaghusgang pamilya at lipunan.

Tila na-time warp ako sa panonood ng pelikulang ito. '80s ito subalit pakiramdam ko ay naka-set ito noong '50s. Hindi ako makapaniwala sa mga ideolohiyang napapaloob dito kung saan ang virginity ng babae ang pinakamahalaga above all else. Hindi na mahalaga kung siya ba ay mabuting tao. Sa oras na mawala ang kanyang iniingat-ingatan virginity ay nawawala na rin ang kanyang halaga sa lipunan. Mababa ang magiging pagtingin sa kanya at kukutyain na tila may dalang nakakahawang sakit. Kahiya-hiya na siya maliban na lamang kung pakasalan siya ng lalaking umangkin sa kanya o isalba ng ibang lalaking tatanggap sa kanyang "kakulangan".

Ang pelikulang ito ay tila komentrayo sa itinuturing na "loose morals" ng mga kabataan at lipunan at maging sa mga namamayagpag na tema ng pelikula sa panahon iyon. Sa isang eksenang pag-uusap ni Jake at ng kanyang ina na si Amelia (Armida Siguion-Reyna), wika ni Amelia ay wala nang tinatago ang mga babaeng nasa pelikula ng ECP (Experimental Cinema of the Philippines). "Sa panahon ngayon ay mahihirapan ka nang humanap ng birhen," dagdag nito. Sa kabilang banda, sa umpisa ng pelikula, si Arra ay nagsabi kay Henry, "Premarital sex is wrong."

Hindi naman masamang bigyang kahalagahan ang virginity ng isang babae (o maging ng isang lalaki). Isa itong paniniwalang dapat irespeto. Subalit ang hindi katanggap-tanggap para sa akin ay ang iangkla mo ang iyong buong pagkatao rito (at paniwalaan ito ng lahat). Na tila ito na ang kaisa-isang bagay na dapat pahalagahan at pagkaingatan. Na tila kasabay ng pagwala nito ay ang pagkawala ng iyong pagkatao at respeto sa sarili (at ng ibang tao sa iyo).

Pinakasalan ni Jake si Arra upang iligtas ito sa kahihiyan. Pagtatanan ang tingin ni Bob sa ginawang pagsama ni Arra kay Jake at hindi niya matatanggap ang anak kung hindi ito pakakasalan ng lalaki. "Kasal sa papel" ang tawag nina Arra at Jake dito sapagkat nagpapanggap lamang sila. Makalipas ang dalawang taon ay ipapasawalang-bisa nila ito. Bukod pa rito ay engaged si Jake kay Arriane (Cherie Gil).

Sa dulo ay hinarap na rin ni Arra ang katotohanan. Sinabi niyang "peke" ang kanyang naging kasal kay Jake. Hindi na niya kayang magpanggap pa at hiyang-hiya na sa kanyang ginagawang pagsisinungaling. Mas ninais pa niyang harapin ang panibagong galit ng ama kaysa idamay pa ang ibang tao sa isang suliranin na dulot lamang ng maling paniniwala at kahinaan niya ng loob. Sa kabila ng mga hindi magandang pangyayari ay nagkaroon ng malaking pagbabago kay Arra. Nakita niyang ang mga values na dapat mas bigyang-halaga (ang pagiging totoo sa sarili at sa ibang tao) at ang ipaglaban ang sarili sa maling paniniwala ng iba.


Nakakatawang isipin ang pagpapahalagang binibigay ng pelikula sa virginity subalit binabalewala lamang ang pagiging sagrado ng kasal. A way out lamang ang turing sa kasal at wala nang iba pa. Ano ba ang tinatawag na "kasal sa papel" gayong nagsumpaan sila sa harap ng altar? Hindi ba binibigyang halaga ang mga sumpaang binibitawaan sa harap ng altar? Mas mabuti bang maging birhen kaysa maging sinungaling at mapagpanggap? Mas mabuti bang magpanggap sa harap ng altar kaysa pag-usapan ng mga tao sa paligid? Mas mahalaga ba ang sasabihin ng iba kaysa sa sinasabi ng anak?

Are these the values we should put premium on?

The Oddity of "Cross My Heart" (Garcia, 1982)

Originally posted on April 6, 2013

When asked what she considers her worst film, Sharon Cuneta mentioned Cross My Heart (Eddie Garcia, 1982) and The Lilian Velez Story (Carlo Caparas, 1995) in her The Philippine Star interview in 1999. It would be easy to understand why because it seems that both films are those that can be considered as odd one out (in this case, odd "two" out) in her string of works. While I wouldn't disagree on Lilian... (I'm sorry, Rafael. I know this is your favorite.) as topping the list, I would beg to differ with Cross...

Cross My Heart is a screwball comedy. Its plot wouldn't be simple to define given the situations seen on the film. Though, if one would think about it, the plot is really just about four people in love and how they come together. What is complicated to describe are the series of events that would come before them that are not aimed to move the plot but stall it. Such events almost border on the ridiculous and absurd that would be a challenge to accept if one would take it seriously. Sa Filipino ay maari itong tawaging "makulit." At ang kakukilitan ay puwedeng katuwaan o kainisan. Samakatuwid, ang isang screwball comedy ay maaaring magustuhan ng manonood o hindi. There is no in between.

A screwball comedy had its history in the Depression era. It is an escapist form of entertainment where comedic events are described as crazy, lunatic, eccentric, ridiculous, and erratic. It is often light-hearted, frothy, and farcical. However, given such, it's theme is not to be taken lightly. Kadalasan, partikular na noong una itong lumabas, naglalaman ito ng mga komentaryo tungkol sa class at gender na dinaraan na lamang sa katawa-tawang pamamaraan. Sa ganitong paraan ay tinatago ang nais sabihin ng pelikula lalo na't mahigpit ang censorship noon. (Read more on Screwball Comedy here.)

Malayo na rin naman ang narating at pinagbago ng screwball comedy. It may not be as sophisticated and witty as before, but the essence of it still stands. Puno pa rin siya ng kalokohang magpapahagikgik sa manonood o makakapagpainit ng ulo. One recent film of such in the Philippines is Mae Czarina Cruz's Every Breath You Take (2012) which reminded me of films that Barbra Streisand used to make in the '70s-'80s.


One characteristic of a screwball comedy is its quirky characters. Ang Cross My Heart ay namumutiktik nito mula sa mga pangunahing tauhan nito hanggang sa mga bagay na nagsisilbing ekstensiyon nila. Unfortunately, ang dalawang artistang binebenta ng pelikula na sina Sharon (bilang Jenny) at Rowell Santiago (bilang Cris) ang siya pang pinakamatabang sa lahat ng nakapaligid sa kanila. Ang tanging masasabi lang na kakaiba sa kanila ay ang kani-kanilang kasintahan na mga karakter ding maituturing at ang kakarag-karag na sasakyan ni Cris.

Ang puso ng pelikula ay nasa kuwento ng pag-iibigan nina Cecille (Charito Solis) na tiyahin ni Jenny at Noel (Nestor de Villa) na biyudong ama ni Cris.

Matandang dalaga si Cecille ngunit umaasa pa siyang makakahabol siya sa biyahe. Napokus ang kanyang atensiyon sa kanilang restaurant business at sa kaniyang pamangkin. Napagtanto niyang handa na siyang bigyang-halaga naman ang kanyang sarili. Nakipag-penpal siya sa isang German at nagpanggap na 25 years old lamang dahil ito ang limitasyon ng edad na hanap ng German. Ibinuhos niya ang kanyang mga pangarap dito at umasang sapat ang pagmamahal ng German sa kanya para siya ay tanggapin at mapangasawa. Subalit siya pa pala ang magugulat nang makita niya ito. Singlaki ito ng elepante at may nakapilang mga Filipinang pagpipilian. Hindi lamang sama ng loob ang kanyang naramdaman kundi kahihiyan sa kanyang desperation.

Samantala, si Noel ay may fashion sense na tila nagmula pa noong unang panahon. Hindi siya bumibili ng bagong damit at pinapasulsihan na lamang ang mga luma sa ina niyang si Chiquita (Chichay) kung ito'y nasisira. Hangga't may pakinabang pa siya sa isang bagay at hindi pa totally nagre-retire, hindi niya ito itatapon at patuloy na gagamitin. Praktikal lamang daw siya at matipid. Subalit pagiging kuripot at mahigpit sa pera ang tawag dito ni Chiquita.

Nang makita ni Cecille si Noel ay tila love at first sight ang kanyang naramdaman. Nagkaroon siya ng panibagong pag-asa. At ginawa naman niya ang nararapat upang iparamdam kay Noel ang tibok ng kanyang puso kahit pa sa umpisa'y tila dense ito at walang muwang sa kaniyang pinapahiwatig.

On the side is the romance between Jenny and Cris. Ang lumang kotseng pupugak-pugak ni Cris ang nag-introduce sa kanila sa isa't isa at naglapit sa kanila hanggang sila ay maging magkasintahan. Dumating na nga sa punto ng pelikula na tila over extended na ang running joke tungkol sa kotse na ito, subalit hindi maitatangging malaki ang ginagampanan nito sa pag-iibigan ng dalawa. Tila isa siyang piping saksi sa kung paano namumukadkad ang relasyon nina Jenny at Cris.


Prior to Jenny and Cris's relationship, they are both involved with other people. Jenny is in a relationship with Ryan (Raymond Lauchengco) who seems to know more about chess and the moon rather than his girlfriend. Nakakaaliw ang eksena kung saan confident na confident siyang nagbibigay ng detalye tungkol sa buwan na hindi alintana ang kanyang lisp. Si Cris naman ay may kasintahang socialite na si Vanessa (Lampel Luis) na hindi tumatangging sumakay sa bulok na sasakyan ng boyfriend subalit hiyang-hiya na makitang nasakay siya rito. Tinatakpan niya ang kanyang mukha sa tuwing nakasakay siya rito.

Bukod sa kanila ay nandiyan din ang makulit na manliligaw ni Jenny na si Jayson (JC Bonnin). Hindi siya sineseryoso ng dalaga sapagkat bata pa ang tingin niya rito. But Jayson insists that he is already man enough to have Jenny as his girlfriend. "Tinutubuan na nga ako ng balahibo... sa binti," he would say.

Such risque dialogue is also a characteristic of a screwball comedy. Kadalasang may mga sexual tones ang mga linyang binabato ng mga karakter. May ilan ding ganitong klase ng linya sa pelikulang ito na sinasambit nina Cecille at Noel upang ipahayag ang intensiyon nila sa isa't isa.


Another characteristic of a screwball comedy is mistaken identity. Nagkaroon ng kidnapping at inakala ng kidnappers na ang ang dalawang magkasintahan ang kanilang target. Sinundan ito ng funny antics at slapstick jokes ng mga kinikilalang komedyante ng ating bansa na pinangungunahan nina Panchito bilang Ninong (o Godfather), Babalu, at Palito (na pare-parehong sumakabilang-buhay na sa ngayon).

Cross My Heart is a fun movie to watch so long as one wouldn't expect much from it. Or, one should know what to expect from it to be able to enjoy it. (It pays to know the genre it comes from.) Hindi kailangang pagtagni-tagniin ang mga pangyayari dahil wala naman itong sense of logic to begin to with. Ang maaaring naging failure nito para maging isang tunay na magandang pelikula ay ang pagsentro nito sa kuwento ng kanyang pangunahing bida gayong wala namang masyadong bigat ang kanilang love story. Still, it churned out great performances from its actors that made it more bearable and lovable.


(One scene that seems to be the oddest among the odd situations in the film is the "t-shirt" scene where Jenny and Cris expressed their feelings for each other. It springs out of nowhere and without context. It is neither a dream sequence or a fantasy one. Parang nilagay lang upang magpakilig ng fans ng tambalang Sharon at Rowell. Though it fails miserably dahil wala namang itong pinanggalingan. Ironically, odd siya isang odd na pelikulang mga maraming odd moments. Ang odd, 'no?)

Friday, March 7, 2014

Madrasta (Full Movie)


Madrasta1 by watchfm2

Madrasta2 by watchfm2

Minsan Minahal Kita (Full Movie)


MinsanMahalKita1 by watchfm2

MinsanMahalKita2 by watchfm2

Sharon Cuneta & Richard Gomez in "Jullie" (2000)

Uploaded by AMAW KO

My Only Love (Full Movie)

Uploaded by nicnich7


Pagdating ng Panahon (Full Movie)

Uploaded by FanellaBargola

Walang Kapalit (Full Movie)

Uploaded by FanellaBargola

Wala Nang Iibigin Pang Iba (Full Movie)

Uploaded by FanellaBargola

Ikaw (Full Movie)

Uploaded by FanellaBargola

Lea Salonga in "Sharon" (1999)

Posted by sushmiorka



#FlashbackFriday: My First Time on "Sharon"

Sharon Moments
Originally posted on July 27, 2006

"Kala ko tapos na ang kabaliwan natin," Ryan, a fellow Sharonian, texted on July 10 which referred to the taping that we were about to attend. I was invited by Gigi to watch a Sharon taping that day. The taping was for the fans entitled Fan's Day On Air. She was inviting fans that would represent the online group. S'ympre go ako! 

There were many firsts for me on this event. First time that I get to watch a Sharon taping -- actually any taping for that matter. First time to see how a set looks like. First time to see how the production works during taping. First time to meet fellow Sharonians outside my circle. It's quite funny when you think that you're a super fan of someone then you get to meet people who are more fanatic than you are. My collection of Sharon stuff is incomparable to what they have. Their knowledge of her life is way superior than what I know about her. Even Sharon said that, "Mas marami pa silang alam sa buhay ko kaysa sa kin!" They remember more about her history that she does! They have notes about the events in her life. They compile magazines and interviews. They attend tapings almost religiously. Some of them even became Sharon's friends (and kumares because she became their children's godmother) because, according to her, they are the people she often sees. For that, I give them loyalty award! Megafans, indeed! Nakakatuwa sila! I admire them because of that. If given the chance, I'd want to do a story/movie about them. A story about what being a mega fan is really like, showing people that they are the moons behind these stars. As long as they're there to support them, their light will keep on shining. Theirs are interesting lives because some of them have devoted their entire lives into backing them up. Not all can do such act especially with people they have no blood relations to.

Anyway, these are the Sharon moments:

*Everytime Sharon would open her mouth. I mean, in between takes, she would constantly talk -- either about anything she has set her mind to or to her friends in the audience. 

*Every Sharon transition moments off and on screen. You gotta be there to see it. Off-air, she'd talk and talk even if the AD is already counting before going on air. When the number reaches 2..., she'd stop talking about whatever she is talking about then proceeds to doing her spiels! As if hindi siya naging sobrang kulit before the take! Sobrang aliw talaga!

*When she started saying something not-so-good about Gabby, the mic hits her teeth! She quickly adds, "Opo, Lord! Sorry na po! Sobrang bilis naman ng dating ng karma sa 'kin. Opo na po. Bati na nga po kami, di ba?"

*When a fan showed her the picture of her and Gabby with the doll "Shabby". Shabby is Kuya Germs's version of Guy & Pip's "Maria Leonora Theresa" doll. "'Yan si Shabby dati! Ngayon, nagiging Chucky na pag gabi!"

*Whenever Shawie calls Uma her Uma Khounita! She feels that he is her baby I hope that both of them realize that Khounita doesn't sound manly for someone whose sexuality is in question. I hope, too, that it was just unintentional to sound that way. Hehehe. (Pero care ko! Cutie pa rin si Uma ever!)

*All the time Aldred Gatchalian was on the stage singing Your Song! Siyet!!!! (See clip below)


*Like Direk Joey Reyes who first pledged his admiration for Aldred and calls himself a devoted "Aldredian", Manny Casteñeda became gigil-to-death with Aldred. Mega-pisil sa bata! OA! Hahaha! (Inggit ako! *wink wink*)

*All of Melanie Ganda's (in short, MeGa, aka Pokwang) kwento about her being a Sharon devotee. Part of her experience as a mega-fan was when Shawie carried her mother on her back in the film Pasan Ko Ang Daigdig. "Pinasan ko rin ang nanay ko," she related. "Kahit saan. Sa pamamalengke... sa grocery... sa simbahan... sa paglalakad... sa trabaho! Matapos nga ang isang linggo, natanggal ako sa trabaho, eh! Pa'no raw nakakasikip ang nanay ko. Elevator operator kasi ako!"

*John Lapus' stories about the days when he became Sharon's clown. The one who'd make her smile and laugh whenever she was down. Once, John waited inside a trash bag so that when the time came, he'd pop out and cheer her. It was during Shawie and Richard's days. There were talking on the phone then. It took a long time before the conversation (arguments, actually) ended. John had to come out of the trash bag. "Juice ko, sobra kaya akong pinawisan! Ni hindi pa nga ako makahinga! Naloka ako! Ang tagal n'yong nag-usap!"

*When Uma buckled on his lines. "Ang susunod po nating bisita ay taga-Hagdang-hagdang e Tahanang Walang Hagdan..." (Did you mean Hagdang-hagdang Palayan, Uma?! Ang layo naman n'un sa TWH! :-D)

*When Sharon (and most of the audience) cried upon learning that the boy she has been helping was cured from cancer. It was a heartfelt scene. "Most of my sick kids kasi from Wish Upon a Mega already passed away. I'm glad that he made it..."

*Lastly, when Sharon apologized to Sen. Kiko about all her mistakes in the past. "You are what you are today because of those," Sen. Kiko assured the Mega. 

Sharon is about 40 minutes or so only on TV. But the taping took two hours! We started at around 9 PM and ended at around 11 PM. There were so many things that happened during that night. I am soooo glad that I was able to watch it.


 

Fan's Day On Air was aired on July 30. Other guests are Erik Santos, Bb. Joyce Bernal, Christine Bersola-Babao, Vina Morales, and some loyal and devoted fans.


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails