Reversal of Roles sa "Tayong Dalawa" (Guillen, 1992)


Isang liberal at palaban na babae ang karakter ni Sharon Cuneta bilang Carol Yaptengco sa Tayong Dalawa (Laurice Guillen, 1992). Independent at career woman na matatawag kung saan umiikot ang kanyang mundo sa kanyang trabaho. Wala na siyang panahon para sa sarili kaya namang sinisiguro ng kanyang ina na naaalalayan pa rin ang kanyang pangagailangan sa pamamagitan ng pagbisi-bisita ng kasambahay niya sa bahay ni Carol minsan sa isang linggo.

In a work place dominated by men, Carol is trying to make a name for herself. As the office's department manager, she wants to achieve more and prove herself worthy as a woman. Hindi niya tanggap na hanggang department manager o sekretarya lamang ang naaabot na posisyon ng mga babae sa kanilang kumpanya. Handa niyang gawin ang nararapat upang marinig ang kanyang tinig at matanggap ang inputs niya na equal sa mga kalalakihan.
(L) In the world of men, Carol stays in the background. | (R) In front nobody listens to her.

Subalit pagdating sa pag-ibig, hanggang saan ang kaya niyang ibigay? Hanggang saan ang kaya niyang gawin? Magiging palaban din ba siya nang katulad sa kanyang trabaho? Patutunayin din ba niyang kaya niya ang magmahal sa taong sa tingin niya ay karapat-dapat ding bigyan ng kanyang pagmamahal?

Sa unang pagkikita pa lamang nina Carol at Tonchi (Gabby Concepcion) ay isang business transaction na ang turing dito ni Carol. May kapalit na bayad sa bawat serbisyong ibinibigay. May karampatang sukli ang trabahong binabahagi. Pinatawag niya si Tonchi upang kumpunihin ang nasirang coffee maker ng opisina. (Ang salitang "kumpuni" ay sasambitin ng iba't ibang karakter sa pelikula sa iba-ibang pagkakataon sapagkat sa kani-kanilang buhay ay may inayos sina Carol at Tonchi.) Aabutin pa ng isang linggo bago maayos ito kung hahayaan pa niyang dumaan ito sa office process. She took it upon herself to have the coffee maker fixed using her own resources. Office politics can be quite grueling even for simple things like that.

Nang matapos ni Tonchi ang pagsasaayos ng coffee maker, siningil niya ng 400 pesos si Carol. Hindi pa makapaniwala si Carol dahil sa tingin niya ay simpleng gawain lamang 'yun para magkahalaga ng ganoon. Dito pa lang ay naipakita at naiparamdam na ni Carol na hindi sila magkauri ni Tonchi. She might underestimate people like him, thinking that their work is not as valuable as hers. Na ang manual labor ay hindi gaanong pinag-iisipan at pinaghihirapan ng katulad sa mga trabahong kagaya niya na nakakulong sa opisinang de-air con. Isa ito sa hindi maitatangging prehuwisyo (prejudice) sa ating lipunan. There is a dividing line between blue and white collar jobs. That one is harder than the other or one is more significant over the other, not thinking how one compliments the other or how they help each other out. Bukod pa rito ay cheque ang pinangbayad ni Carol na maaaring magpahiwatig ng kanyang air of superiority kay Tonchi. Sa bandang huli ay patutunayan niya ang ganitong pagtingin sa nasabing lalaki sa pagtawag sa kanya ng "basura". (Maging ang kanyang ina ay may halong pangugutya nang tawagin niya itong "magbobote". Ironically, the house help thinks she is also higher than him by calling him "trabahador".)

Sa kanilang ikalawang pagkikita ay mayroon ng pagpaparamdam ng sexual attraction. Carol checks Tonchi's ass as he turns his back on her. She offers him coffee, but he declines, saying he'd rather prefer drinking it at home. Such subtle cues provide the courting/mating rituals for (gay or straight) men and women. Their next move leads to a dinner date to their eventual coupling.

May lalaking malapit kay Carol sa opisina, si Mike (Eric Quizon). Binububuyo sila ng kanyang ina sa isa't isa subalit kailanman ay hindi niya ito nakita nang mahigit pa sa pagiging kaibigan. Una ay hindi rin naman ito nagpapahiwatig ng direktang interes sa kanya. Pangalawa ay nakikita niya ito bilang kumpetisyon sa opisina. Lalaki si Mike at mas pinapaboran siya ng kanilang bosses. Sa tuwing magsasalita siya ay si Mike ang pumapagitna upang maintindihan ng mga boss ang kaniyang sinasabi. She feels that he undermines her credibility every time he steps up for her. Nakikita niya ang pag-angat ng posisyon ni Mike sa opisina habang siya ay nananatili sa kaniyang kinalulugaran. And it seems that Mike is oblivious to her plight. He thinks that she is just imagining things that do not exist. How can he understand her anyway when he belongs to the system? How can he accept the difference when he is the favored one?

Tonchi seems to be a better choice. He is less threatening to her, yet he exudes a confidence that is attractive to her. There's an air of smugness that seems to compliment her own sense of arrogance. And it seems that he isn't threatened either by her social status. Kaya niyang ibaba siya sa lupa upang ma-appreciate ang mga maliliit na bagay sa 'yo. She can be herself with him without apologies.

Bilang isang babae ay hinayaan pa rin ni Carol na si Tonchi ang gumawa ng unang hakbang. He touches her hand and slowly kisses her. But she is never the modest type. She kisses him with gusto and an open mouth (which is a rarity in a Sharon Cuneta movie). The minute they go to bed, she takes charge. Pumaibabaw siya kay Tonchi at naging agresibo. Nanatili siya sa ganoong posisyon hanggang sa marating nila ang rurok ng kanilang pagtatalik.


Ang gabing iyon ang nagbigay kay Carol ng lakas ng loob sa opisina na makipagsabayan ng utak sa kanyang mga boss. She plays her cards like a man. She learns to massage their egos without compromising her own.

Looking at love like a business transaction, Carol wants to make sure what she is in for. Hindi niya maipakilala si Tonchi sa kanyang ina hanggang hindi niya nalalaman kung ano ba ang status ng kanilang relasyon. Isa siyang segurista. Hindi maaaring ibigay ang sarili nang todo-todo nang walang nakukuhang kapalit.

Subalit maingat si Tonchi. Ayaw niyang magpadalos-dalos ng desisyon. Ayaw niyang magpadala sa bugso ng damdamin hanggang hindi pa siya nakasisiguro rito dahil minsan na siyang nagkamali.

Sa ganitong pagkakataon ay tila bumaligtad ang kadalasang characterization ng lalaki at babae sa pelikula pagdating sa pag-ibig. Si Tonchi ang romantikong maituturing na umaasang matatanggap ni Carol ang kaniyang nakaraan dahil sa pagmamahal. Siya ang lalaking hindi nangingiming pagsilbihan ang kanyang mga mahal sa buhay at manatili lamang sa bahay na ginagawa ang kanyang gusto. Hindi niya gusto ng kapangyarihan. Malayo sa kanyang isipan ang dibisyong namamagitan sa kanila ni Carol.

Samantala, si Carol ang tila nanainip na sa paghihintay at naghahangad na makuha ang kaniyang gusto na kabaligtaran ng nangyayari sa kaniya sa opisina. But how much more can she take? May mga lihim sa buhay ang kaniyang minamahal na kaniyang kinabibigla. She wants to be in control of the situation and would not allow any surprises to get in the way. Thus, the minute that her world is shaken, she takes off, leaving Tonchi behind.

Carol couldn't handle the stress brought by the relationship. Hindi siya sanay sa ganoong mundo na wala siyang kontrol sa mga pangyayari. Sa trabaho ay kaya niyang ipaglaban ang sarili. Alam niya ang maaari niyang gawin upang makuha ang kanyang nais. Utak ang labanan. Dealing with matters of the heart is entirely different. She is not equipped to handle it.

Due to the humiliation brought to her at the office by Naida (Bing Loyzaga), Tonchi's ex-partner, she quits her job. She is too arrogant to accept that she made a mistake. Hindi niya kayang ipakita sa mga tao sa paligid ang kanyang naging kahinaan. Paano pa siya makikita ng kanyang mga boss na magkapantay sila kung gayong nalantad na ang kanyang kahihiyan sa buhay?

Eventually, Carol gives in to the desires of her heart. Natuto siyang maging pasensiyoso at tahimik na naghintay sa pagbabalik ni Tonchi (na maaaring namatay sa pagsabog ng kanyang sailboat).  Nang magbalik ito ay sinuko na rin ang sarili ng buong-buo sa taong magpapasaya sa kanya.

Puso nga ba ang kahinaan ng babae o ito ang bagay na nagpapalakas sa kanila? Nararapat nga bang isuko ang karera para sa pag-ibig? Hindi ba ito magkakaroon ng balanse kailanman?

Comments