Unexpectedly Yours

Unexpectedly Yours

Friday, January 31, 2014

MC 80


Thursday, January 23, 2014

Kung Kailangan Mo Ako (Full Movie)

Uploaded by Cine Filipino

Pati Ba Pintig ng Puso? (Full Movie)

Uploaded by Cine Filipino

Dapat Ka Bang Mahalin? (Full Movie)

Uploaded by Cine Filipino

Maging Sino Ka Man (Full Movie)

Uploaded by GinintuangTelon

Biktima (Full Movie)

Uploaded by Sine Kulay

Babangon Ako't Dudurugin Kita (Full Movie)

Uploaded by Sine Kulay

Bukas Luluhod ang mga Tala (Full Movie)

Uploaded by Sine Kulay

'Di Na Natuto: Sorry Na, Pwede Ba? (Full Movie)

Uploaded by Sine Kulay

MC 72


Friday, January 17, 2014

MC 70


"Nang Iniwan Mo Ako" (Reyes, 1997): The Unclichéd Cliché

If one were to see Kahit Wala Ka Na (Emmanuel Borlaza, 1989) and Nang Iniwan Mo Ako (Jose Javier Reyes, 1997) successively, one would immediately assumed that the latter is a reworking of the former. Both penned by Joey Reyes, Nang Iniwan Mo Ako seems to be an updated version of the 1989 film. All the elements are present. Each being a product of history, it caters to the demands of its time.

The Joey Reyes-Sharon Cuneta tandem seems to come up with works that I would consider underrated. Hindi siya masyadong nabibigyan nang nararapat na pansin dahil natatabunan ito nang mas maingay na trabaho ni Sharon sa taong iyon. Sa Hirap at Ginhawa (Leroy Salvador, 1984), another Reyes writing, is far better than Dapat Ka Bang Mahalin? (Borlaza, 1984). Subalit ang pagbabalik-tambalan nina Sharon at Gabby Concepcion sa nasabing huling pelikula ang mas pinaboran. (The former though is another Sharon-Gabby starrer.) Mas napansin ang pagganap dito ni Sharon dahil ito ang kanyang unang sabak sa adult role.

Ang Kahit Wala Ka Na ay kasabayan ng Babangon Ako't Dudurugin Kita na isang pelikulang dinirehe ni Lino Brocka. Isang inapi subalit lumabang asawa ang papel ni Sharon dito na maituturing na isa sa highlights ng kanyang career. Madrama ang tema ng pelikula. May iyakan, intriga, at aksiyon. Sinamahan pa si Sharon ng mga de kalibreng artista katulad nina Christopher de Leon, Hilda Koronel, at Bembol Roco na kapwa hinubog sa mga kamay ni Brocka. A grand film with an acting ensemble.

Samantala, Madrasta (Olivia Lamasan, 1996) ang sinundan ng Nang Iniwan Mo Ako kung saan nanalo si Sharon ng grand slam best actress. It was a breakthrough performance for she had never exhibited such subtle acting in any of her films before. Hindi magalaw, hindi exaggerated. Tahimik na nagdurusa at lumalaban. To be the one which follows it would be such a feat. Kuwento nga ni Reyes, "We were pressured to elicit a performance which would match Madrasta. At the same time, not look like it. She delivered exactly what I wanted because she is such an intelligent woman (De la Cruz 321)." Thus, he considers it to be one of the films he derived most satisfaction from.

I, myself, consider Nang Iniwan Mo Ako as one of his best works. In fact, his team up with Sharon are all noteworthy including their last effort Kung Ako Na Lang Sana in 2003.  They are my favorite among all Sharon films. Being friends with Sharon, he is able to translate her (real and reel) character well onscreen particularly in their last two films together.

Ang Nang Iniwan Mo Ako ay kuwento ng maybahay na si Amy. Ang mundo niya ay umiinog lamang sa kanyang asawa na si Anton (Albert Martinez) at anak na si Samuel (Valentin Simon). She attends to their needs like a subservient horse to its master. At katulad ng isang kabayo, nakatakip din ang kanyang mga mata kung kaya hindi niya nakikita ang mga nangyayari sa kanyang paligid. When Anton leaves her, she is stunned. While everyone around her seems to be in the knowing, she seems to be oblivious about the philandering ways of her husband.

Tila naputulan ng kamay at paa si Amy sa paglisan ni Anton. Hindi niya malaman ang kanyang gagawin sapagkat inangkla niya ang kanyang buhay sa asawa. Sa pag-alis nito ay tila bahagi ng kanyang buhay ay namatay rin. May mga pangarap na naglaho. May mga kinabukasang hindi na maisasakatuparan. Paano na siya kung ang araw na iniikutan ng kanyang mundo ay wala na? Saan siya kukuha ng lakas? Saan siya maghahanap ng liwanag?

With the help of her family and friends, Amy slowly picks herself up. Mahirap sa simula subalit natagpuan niya rin ang kanyang sarili. Napagtanto niyang huwag iasa sa iba ang kanyang kaligayahan at seguridad maliban sa sarili lamang sapagkat hindi siya tunay na magiging maligaya kung hindi buo ang kanyang pagkatao.

The movie's message sounds like a cliché, but for a Sharon Cuneta movie, it isn't. Kadalasan ay umiinog ang mundo ng karakter ni Sharon sa kanyang kabiyak, wawaglit upang hanapin ang sarili, at muling magbabalik sa piling ng lalaki. Nang Iniwan Mo Ako aims to be different, at ito ang nag-angat sa iba pang mga pelikula ni Sharon. (Or other Pinoy films for that matter.) It is true to its core and adheres to what it says.

Si Mike (Matthew Mendoza), ang divorce lawyer ni Amy, nang lumaon, ay umibig at nagtapat ng pagmamahal kay Amy. Subalit hindi ito tinanggap ni Amy. Mayroon na rin siyang pagtingin sa binata, ngunit hindi niya nais makipagrelasyon kaagad dito gayong nag-e-enjoy pa lamang siya kanyang newly-found peace and contentment. But she isn't closing her doors on him. She asks him to wait until she's ready.

On the other hand, Anton apologetically comes back to Amy. Nagpahayag ito ng kanyang pagnanais na mabuong muli ang kanilang pamilya. Ito ang araw na kanyang pinakahihintay sapagkat umaasa siyang babalikan din sila ng kanyang asawa. But instead of relief, she feels sadness. Sa kanyang pagkawala ay natututunang niyang mahalin ang kanyang sarili. Sa kanyang pagkawala ay natuto siyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Eventually, she has stopped loving him. She has stopped needing him. Thus, unlike with Mike where there is a promise of relationship, she ended it with Anton.

This is a rare occasion in Philippine cinema where the wife rejects the apologetic husband. As a nation which gives importance to the sanctity of marriage, oftentimes, we put the vows above everything else. But what is a marriage if one can’t keep the vows anymore? Should a wife be thankful and accepting just because her husband learned from his wicked ways even if she has lost all respect and love for him? Just because you have a marriage to maintain?

This ending didn't sit well with the censors. Reyes relates, "They wanted to slap an adult rating because Sharon Cuneta rejected her husband. ... It's even worse than censoring sex. They think that it's morally wrong for the maltreated wife not to take her contrite husband. I think that attitude is more dangerous than showing boobs (De La Cruz 313)."

Nang Iniwan Mo Ako is pro-woman all the way and “pro-choice” to say the least. Amy is a picture of a woman who lost herself and finds her way back because of a man—when he marries her in the beginning and when he left her later on. Natuto siyang tumayo kung saan siya nadapa.

Maski ang keridang si Olive (Dindi Gallardo) ay malayong-malayo sa loka-lokang si Debbie (Cherie Gil) sa Kahit Wala Ka Na at sa kadalasang imahen ng mga kerida sa pelikula. She is a woman who refuses to be under any man’s power. Nalalaman niya ang kanyang gusto at kinukuha niya ito. Kung sakaling hindi magtagumpay ang relasyon niya sa lalaki, hindi siya nagpapalunod sa dramang dulot nito. She ends it and moves on. Kinikilala niya ang sariling halaga at nararapat lamang na tanggapin ito ng lalaking pakikisamahan niya. She will never be the obedient wife. She is too intelligent for that.

Dagdag pa rito ay ang conscious effort ni Reyes na ipasok sa storyline ang lumalaking timbang ni Sharon. Wika niya, "Sharon was asking me if she should lose weight for this role, to become svelte and sexy at the end. I said no. ... I said you should glow because you have self-confidence in the end. You don't glow because you've become sexy. That's so chauvinist. If you've become slender and beautiful for a man, you're still not happy. But if you're fat and happy, you're beautiful. Because you know who you are. And you know you're worth (De la Cruz 312)." Obviously, hindi tanggap ni Reyes ang superficial na pagtingin sa timbang. Hindi nito nasusukat ang pagkatao. At lalong hindi ito ang dapat maging batayan ng kabutihan at kagalingan ng tao.

Opposite sa palikerong si Anton ay ang sensitibong si Mike na mahilig sa halaman. He always lends an ear to listen to Amy and is responsive to her needs. He may be a persistent suitor, but he doesn't force himself on her. Tila isang "ideal man". An ideal man, Reyes describes, “is not one who’s too preoccupied with being a man, but who is more concerned with being human (De la Cruz 314).” Such man has no issues crossing the line between masculinity and femininity. In fact, for him, such boundaries do not exist. Nagagawa niya ang kanyang gusto niya na hindi kinukuwestiyon ang kanyang pagkalalaki.

(But since he is an "ideal man", does he truly exist? O nananatiling lamang siya sa mga pelikula ni Joey Reyes?)

Ito ang mga bagay na stand out sa pelikulang Nang Iniwan Mo Ako. Tahimik siyang maituturing subalit nagsusumigaw sa kanyang mensahe. Madaldal siya ngunit hindi mababaw ang kanyang sinasabi. Hindi maarte at sapat na emosyon lamang ang binabahagi.



Reference:
 De la Cruz, Emmanuel. "Interview with Jose Javier Reyes." Ed. Nicanor Tiongson. The Urian Anthology: 1990-1999. Philippines: UP Press, 2010.

Reversal of Roles sa "Tayong Dalawa" (Guillen, 1992)


Isang liberal at palaban na babae ang karakter ni Sharon Cuneta bilang Carol Yaptengco sa Tayong Dalawa (Laurice Guillen, 1992). Independent at career woman na matatawag kung saan umiikot ang kanyang mundo sa kanyang trabaho. Wala na siyang panahon para sa sarili kaya namang sinisiguro ng kanyang ina na naaalalayan pa rin ang kanyang pangagailangan sa pamamagitan ng pagbisi-bisita ng kasambahay niya sa bahay ni Carol minsan sa isang linggo.

In a work place dominated by men, Carol is trying to make a name for herself. As the office's department manager, she wants to achieve more and prove herself worthy as a woman. Hindi niya tanggap na hanggang department manager o sekretarya lamang ang naaabot na posisyon ng mga babae sa kanilang kumpanya. Handa niyang gawin ang nararapat upang marinig ang kanyang tinig at matanggap ang inputs niya na equal sa mga kalalakihan.
(L) In the world of men, Carol stays in the background. | (R) In front nobody listens to her.

Subalit pagdating sa pag-ibig, hanggang saan ang kaya niyang ibigay? Hanggang saan ang kaya niyang gawin? Magiging palaban din ba siya nang katulad sa kanyang trabaho? Patutunayin din ba niyang kaya niya ang magmahal sa taong sa tingin niya ay karapat-dapat ding bigyan ng kanyang pagmamahal?

Sa unang pagkikita pa lamang nina Carol at Tonchi (Gabby Concepcion) ay isang business transaction na ang turing dito ni Carol. May kapalit na bayad sa bawat serbisyong ibinibigay. May karampatang sukli ang trabahong binabahagi. Pinatawag niya si Tonchi upang kumpunihin ang nasirang coffee maker ng opisina. (Ang salitang "kumpuni" ay sasambitin ng iba't ibang karakter sa pelikula sa iba-ibang pagkakataon sapagkat sa kani-kanilang buhay ay may inayos sina Carol at Tonchi.) Aabutin pa ng isang linggo bago maayos ito kung hahayaan pa niyang dumaan ito sa office process. She took it upon herself to have the coffee maker fixed using her own resources. Office politics can be quite grueling even for simple things like that.

Nang matapos ni Tonchi ang pagsasaayos ng coffee maker, siningil niya ng 400 pesos si Carol. Hindi pa makapaniwala si Carol dahil sa tingin niya ay simpleng gawain lamang 'yun para magkahalaga ng ganoon. Dito pa lang ay naipakita at naiparamdam na ni Carol na hindi sila magkauri ni Tonchi. She might underestimate people like him, thinking that their work is not as valuable as hers. Na ang manual labor ay hindi gaanong pinag-iisipan at pinaghihirapan ng katulad sa mga trabahong kagaya niya na nakakulong sa opisinang de-air con. Isa ito sa hindi maitatangging prehuwisyo (prejudice) sa ating lipunan. There is a dividing line between blue and white collar jobs. That one is harder than the other or one is more significant over the other, not thinking how one compliments the other or how they help each other out. Bukod pa rito ay cheque ang pinangbayad ni Carol na maaaring magpahiwatig ng kanyang air of superiority kay Tonchi. Sa bandang huli ay patutunayan niya ang ganitong pagtingin sa nasabing lalaki sa pagtawag sa kanya ng "basura". (Maging ang kanyang ina ay may halong pangugutya nang tawagin niya itong "magbobote". Ironically, the house help thinks she is also higher than him by calling him "trabahador".)

Sa kanilang ikalawang pagkikita ay mayroon ng pagpaparamdam ng sexual attraction. Carol checks Tonchi's ass as he turns his back on her. She offers him coffee, but he declines, saying he'd rather prefer drinking it at home. Such subtle cues provide the courting/mating rituals for (gay or straight) men and women. Their next move leads to a dinner date to their eventual coupling.

May lalaking malapit kay Carol sa opisina, si Mike (Eric Quizon). Binububuyo sila ng kanyang ina sa isa't isa subalit kailanman ay hindi niya ito nakita nang mahigit pa sa pagiging kaibigan. Una ay hindi rin naman ito nagpapahiwatig ng direktang interes sa kanya. Pangalawa ay nakikita niya ito bilang kumpetisyon sa opisina. Lalaki si Mike at mas pinapaboran siya ng kanilang bosses. Sa tuwing magsasalita siya ay si Mike ang pumapagitna upang maintindihan ng mga boss ang kaniyang sinasabi. She feels that he undermines her credibility every time he steps up for her. Nakikita niya ang pag-angat ng posisyon ni Mike sa opisina habang siya ay nananatili sa kaniyang kinalulugaran. And it seems that Mike is oblivious to her plight. He thinks that she is just imagining things that do not exist. How can he understand her anyway when he belongs to the system? How can he accept the difference when he is the favored one?

Tonchi seems to be a better choice. He is less threatening to her, yet he exudes a confidence that is attractive to her. There's an air of smugness that seems to compliment her own sense of arrogance. And it seems that he isn't threatened either by her social status. Kaya niyang ibaba siya sa lupa upang ma-appreciate ang mga maliliit na bagay sa 'yo. She can be herself with him without apologies.

Bilang isang babae ay hinayaan pa rin ni Carol na si Tonchi ang gumawa ng unang hakbang. He touches her hand and slowly kisses her. But she is never the modest type. She kisses him with gusto and an open mouth (which is a rarity in a Sharon Cuneta movie). The minute they go to bed, she takes charge. Pumaibabaw siya kay Tonchi at naging agresibo. Nanatili siya sa ganoong posisyon hanggang sa marating nila ang rurok ng kanilang pagtatalik.


Ang gabing iyon ang nagbigay kay Carol ng lakas ng loob sa opisina na makipagsabayan ng utak sa kanyang mga boss. She plays her cards like a man. She learns to massage their egos without compromising her own.

Looking at love like a business transaction, Carol wants to make sure what she is in for. Hindi niya maipakilala si Tonchi sa kanyang ina hanggang hindi niya nalalaman kung ano ba ang status ng kanilang relasyon. Isa siyang segurista. Hindi maaaring ibigay ang sarili nang todo-todo nang walang nakukuhang kapalit.

Subalit maingat si Tonchi. Ayaw niyang magpadalos-dalos ng desisyon. Ayaw niyang magpadala sa bugso ng damdamin hanggang hindi pa siya nakasisiguro rito dahil minsan na siyang nagkamali.

Sa ganitong pagkakataon ay tila bumaligtad ang kadalasang characterization ng lalaki at babae sa pelikula pagdating sa pag-ibig. Si Tonchi ang romantikong maituturing na umaasang matatanggap ni Carol ang kaniyang nakaraan dahil sa pagmamahal. Siya ang lalaking hindi nangingiming pagsilbihan ang kanyang mga mahal sa buhay at manatili lamang sa bahay na ginagawa ang kanyang gusto. Hindi niya gusto ng kapangyarihan. Malayo sa kanyang isipan ang dibisyong namamagitan sa kanila ni Carol.

Samantala, si Carol ang tila nanainip na sa paghihintay at naghahangad na makuha ang kaniyang gusto na kabaligtaran ng nangyayari sa kaniya sa opisina. But how much more can she take? May mga lihim sa buhay ang kaniyang minamahal na kaniyang kinabibigla. She wants to be in control of the situation and would not allow any surprises to get in the way. Thus, the minute that her world is shaken, she takes off, leaving Tonchi behind.

Carol couldn't handle the stress brought by the relationship. Hindi siya sanay sa ganoong mundo na wala siyang kontrol sa mga pangyayari. Sa trabaho ay kaya niyang ipaglaban ang sarili. Alam niya ang maaari niyang gawin upang makuha ang kanyang nais. Utak ang labanan. Dealing with matters of the heart is entirely different. She is not equipped to handle it.

Due to the humiliation brought to her at the office by Naida (Bing Loyzaga), Tonchi's ex-partner, she quits her job. She is too arrogant to accept that she made a mistake. Hindi niya kayang ipakita sa mga tao sa paligid ang kanyang naging kahinaan. Paano pa siya makikita ng kanyang mga boss na magkapantay sila kung gayong nalantad na ang kanyang kahihiyan sa buhay?

Eventually, Carol gives in to the desires of her heart. Natuto siyang maging pasensiyoso at tahimik na naghintay sa pagbabalik ni Tonchi (na maaaring namatay sa pagsabog ng kanyang sailboat).  Nang magbalik ito ay sinuko na rin ang sarili ng buong-buo sa taong magpapasaya sa kanya.

Puso nga ba ang kahinaan ng babae o ito ang bagay na nagpapalakas sa kanila? Nararapat nga bang isuko ang karera para sa pag-ibig? Hindi ba ito magkakaroon ng balanse kailanman?

#Mega48 Sharon Cuneta and Coke


#Mega48 Sharon Cuneta in "Balatkayo"

From the video uploads of Sine Kulay

Thursday, January 9, 2014

MC 64


Pangako Sa 'Yo (Full Movie)

Uploaded by John

Kahit Wala Ka Na (Full Movie)

Uploaded by John

Minsan Pa: Kahit Konting Pagtingin 2 (Full Movie)

Uploaded by John

Kahit Konting Pagtingin (Full Movie)

Uploaded by John

MC 63


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails